Doctors Chapter 8 – Chapter 8 Medecine Proper I

Chapter 8 Medecine Proper I

“Nakakakita ka na ngayon ng walang salamin?” tanong ni Ike kay Glenda

“OO kasi sabi ni Daddy ay dapat mag-ayos na daw ako sa sarili ko dahil iba na ako, iba na ang antas natin sa karamihan….kelangan nating maging kaaya-aya sa iba para galangin tayo bilang isang mangagamot kaya eto at binilhan ako ng contact-lens ni daddy” sagot nito na mababakas ang pagiging seryoso na nya

“Naninibago talaga ako sayo at lumabas na ang tinatago mo, maganda ka pala talaga!” tukso ni Ike

“Siguro dahil nagpa-rebond ako at nagpabody-scrub…hehehe! pangiseng sagot nito

“Pa-humble effect ka pa dyan! Aminin mo na kasi na maganda ka nga!”

“OO na OO na at maganda na ako! teka asan ba si James?”

“Kung bakit kasi hindi ka umuwi sa atin at dito ka na dumeretso sa school…  para ba supresahin kami sa bago mong looks, ha?!”

“Hindi nga! Hindi nga!!! tara na nga sa room ni James at baka nagkukulong nanaman ‘yun…”

 

Malaki talaga ang pinagbago ni Glenda nang bumalik siya galing sa Maynila. Napakaganda nito at lumabas ang pagiging mestiza nito. Napaka-porselana ng kutis dahil miminsan lang naman maarawan at ito ay kapag kasama si James, na lalong pinatingkad ang makinis na balat ng magpunta sila sa Spa na kung ano-ano ang ginawa sa kanya. Para ngang nakakita ng sikat na artista ang manyakis na receptionist at talagang napa-WOW ito. Sobrang kaligayahan din naman ang nadama ng kanyang mga magulang.  Ginusto talaga ng mga magulang niya na ayusan ang kanilang anak. Iba na daw      ang tingin nila para kay Glenda sa kadahilanang alam na nila na ilang taon na lamang at magiging isang tunay na Doktor na ito. Maipagmamalaki nila sa lahat ng mga kakilala na napagtapos nila ang anak bilang isang mangagamot. 

 

Tok! Tok! Tok!

 

“Sandali lang!” at mabilis na binuksan ni James ang pinto dahil nararamdaman niya marahil na si Glenda iyon na pinaka-iintay niya

“Huh!” Natulala siya ng buksan ang pinto at ang kagandahan ng mukha ni Glenda ang bumulaga sa harap niya… ilang segundo nitong tinitigan ang mga mata ng kaibigan at kung hindi pa nagsalita si Ike ay hindi sila matitigil sa pagtititigan na akala mo ay namaligno

“Hoy! hindi ba tayo papasok?!” tanong ni Ike na nagpanumbalik sa ulirat ng dalawa at nagtawanan sila… tawanan na silang dalawa lamang ang nagkakaintindihan ng mga sandaling iyon

“Para kayong mga sira… mga MR!” sabay hila papasok sa dalawa

 

Simula ng mga sandaling iyon ay iba na ang pagturing ni James sa kaibigang si Glenda. Nirerespeto niya ito at inaalagaan ng higit pa sa dati. Sobrang sweet at gentleman nito ngayon na lalo namang nagpapakilig sa dalaga lat lalo na kung naglalakad sila sa ulanan galing sa kabilang gusali ng paaralan ay talagang inaalalayan siya ni James at hawak pa ang mga braso niya. Magkahawak sila na parang ayaw ng bumitiw sa isat-isa.

 

“Okey class, make a group of 4 people and choose your table!”  kanya-kanya silang takbuhan sa bawat table na hindi pa nila nalalaman ang nababalot sa itim na kumot.

“Open it slowly….slowly….. at sila ang makakasama nyo sa buong semester na ito!” dagdag pa ng guro

 

Unang subject ay Anatomy at dissection iyon. Ipinakita na sa kanila ang kanya-kanyang magiging partner at kaklase nila sa subject na iyon…ang kanilang cadaver. Karamihan sa mga cadaver na pinag-aaralan sa eskwelahan ay nasa kalagitnaan ng mga edad at namatay ng natural causes at hindi sa pilegrosong sakit na maaring magbigay ng karamdaman sa mga estudyante. Apat na tao sa isang cadaver.

 

“Yak!” sigaw ng ilan ng makita ang laman niyon

“Oh my God!!!” sigaw ng iba at ang iba ay natulala pa… mayroon pa ngang nanlambot at naupo sa isang tabi na animo’y magko-colapse sa  nakitang patay na tao sa harap niya.

 

Hindi makapaniwala ang bawat estudyante na ang dating patay na nakikita lamang nila sa sinehan o sa lamayan ay ngayon ay nasa harapan na nila at hahawakan pa nila para pagpira-pirasuhin! Kelangan talaga dahil iyon ang daan patungo sa kanilang pangarap na maging isang doktor.

 

“Don’t worry class at normal lang yang nararamdaman ninyo. First time nyo pa lamang naman kasi makaharap ang isang cadaver but respect them dahil may mga kaluluwa din sila at ‘di natin alam kung asan na iyon o baka nasa tabi na natin” halos manginig pa sa takot lalo ang mga estudyante sa sinabi ng guro nila

 

“Respect them at kapag may nahuli akong pinaglalaruan ang cadaver ay siguradong kick-out ang aabutin niya and I repeat  treat them with Big respect!”

 

May ilang mga estudyante ang hindi nakakain ng normal ng ilang araw dahil sa subject nilang anatomy. Hindi makakain ng karne ng baka o baboy at parating isda na lamang dahil daw parang nakikita daw nila ang mga laman ng cadaver na hinihiwa nila sa raw-araw upang pagaralan ang lahat ng parte nito. Simula sa kaliit liitang bahagi ng kuko hanggang sa kaloob-looban ng lamang loob ay kelangan nilang kabisaduhin.

 

“James bakit kaya heart ang simbulo ng love eh wala namang emosyon ang puso natin?!” tanong ni Glenda

“OO nga eh, dapat sana ay ang limbic system natin o isang bilog lamang  ang simbolo nito?!”

“Kapag nasira kaya ang limbic lobe ay ano ang mangyayari sayo?”

“Ang sabi sa human anatomy ni Snell ay mawawalan ka na daw ng damdamin o pag-ibig o kahit sexual drive ay mawawala ka na at HINDI ka na maaaring mahalin pa!” seryosong sagot ni James

sa natigilang si Glenda. Namula ang dalaga at saka nagsabi ng…

“Sana James ay huwag masira ang limbic system mo!” saka naghawak ang kanilang mga kamay at nagkaintindihan ang kanilang mga puso sa mga terminolohiyang hindi kayang maunawaan ng utak at talagang puso lamang ang nakaka-intindi.

 

Naglapat ang kanilang mga labi na animo ay sabik na sabik sa bawat isa.  Kay tagal na nilang hinihintay ang ganoong sitwasyon, pinapangarap at ngayon nga ay nangyari na. Pinaubaya ni Glenda kay James ang buo niyang pagkatao…hinayaan niya ito na angkinin siya.  Sabagay ay alam na naman niya na matagal na siyang pag-aari ni James kaya ng medesina ang ginusto niya upang hindi na sila magkahiwalay pa… hindi niya iyon kaya… ang mawala sa piling ang pinakamamahal na si James.

 

Mas naging malambing pa sila sa isat-isa na hindi naman na pansin ng mga ibang tao sa paaralan dahil sanay na sila sa mga ito maliban kay Ike. Sabagay ay matagal naman na alam ni Ike na mayroong pagmamahalan ang dalawang kaibigan sa isat-isa at nahahadlangan nga lamang iyon ng pagkakaibigang matalik at takot na masira iyon. Kaya ganoon na lamang ang pagtulong ni Ike sa dalawa, sinadya ni Ike na papagselosin si James upang malaman nito kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya sa kay Glenda. Ilang buwan ang patuloy nanagdaan at talagang naging ma-ingat sila upang hindi mabunyag ang sekreto nilang pagmamahalan.

 

“James tulungan mo naman ako kay Gringgo dahil hindi ko mapaamo ito” sabi ni Glenda

“Walang problema dahil mabait naman yang pusa mo eh!” malambing na sagot nito

“Naaawa talaga ako sa kanila dahil sila ang kailangan nating pag-ekperementuhan.”

“’yan ang kanilang halaga sa mundo at kailangan nating mga tao upang matuto. Kung hindi natin ito gagawin ay papano tayo makakatulong balang araw.”

“sabagay hindi naman nakakain ang mga pusa kaya siguro ito talaga ang silbi nila sa tao.”

 

Apendectomy ang ginawa nila sa mga pusa. Isang oras ang naging operasyon ng mga estudyante para sa mga ito at inilagay sa isang malinis na kuwarto na may maliliit na kulungan upang mabantayan laban sa mga mikrobyo at sa tuluyang paggaling ng mga sugat ng mga ito. Parang isang ICU ng mga pusa.

 

“Glenda, James…pinapatawag tayong lahat sa conference room at importante daw. May nangyaring masama sa ating operations at patay na ang mga pusa!” sabi ni Edgardo

“Lahat patay?!” pagtataka ng dalawa

“OO at pati nga ang mga pusang hindi pa nagagalaw ay nangamatay din… suspetsa ni Professor Dean na may nanglason sa mga ito.”

“baka napagkatuwaan ng estudyante o ng isang tagalabas at pinainom ng lason sa daga!” ang nasabi ni James ng makita ang kuwarto

“hinala ko ay si…ano kasi ay naa-awa daw siya sa mga sasapitin ng pusa! ‘di daw niya kayang makitang nahihirapan ang pusa niya” sabi ni Glenda

“ ano ito Eutthanasia sa mga pusa?! at sino naman iyon?… ‘di naman siguro at baka yung may galit lang sa paaralan natin na taga-labasan.” sagot ni Edgardo

 

itutuloy…

Leave a comment