Basic Life Support at si Miss Spaghetti (short story)

                         

Noong nakaraang taon  ay patok sa ibang bansa ang kursong CareGiver kayat samot-saring eskwelahan ang nagsulputan sa kalakhang Maynila ang nagbukas para rito. Isa ako sa naenganyong mag-aral nito dahil mabilis akong makakapunta sa nais kong puntahan, ang bansang United Kingdom.

Anim na buwan ang pag-aaral nito at anim na buwang training sa mga lugar na nasasakupan ng paaralan ko, ang STI sa Caloocan na maskilala sa larangan ng computer na pag-aaral. Hindi rin biro ang perang  ipinambayad ko sa enrollment fee na pinahiram lang ng nanay ko na ipambibili sana niya ng bagong TV niya.

Excited ako sa unang araw ng pagpasok ko na suot ang bagong T-shirt na bigay ng pinsan ko galing sa Saudi. Japorns na japorns ang dating. Medyo umaambon pa nga noon ngunit wala akong dalang payong kasi makakasira lamang ng porma ko.

“Miss saan ba ang room 302 para sa kursong caregiver?” patanong ko sa binibining naka spaghetti shirt na halos ikaluwa ng mata ko dahil labas na halos ang dibdib nito. Animo’y kinulang talaga ng tela ang manipis na damit nito. Sagot niya na dito na daw iyon at ikinagulat ko “lahat ng naririto ay diyan  papasok sa maliit na silid?!” pagulat na pagtatanong ko sa kanya. Kung tatantyahin ko ay nasa singkwenta katao ang mga aninong magsisiksikan sa loob. Gusto ko na sanang mag-back out ngunit pinabago ang desisyon ko ng sabihin ni Miss Spaghetti na “halika duon tayo sa unahan maupo at tabi na lamang tayo,” ayos sa isip-isip ko. Kahit pa araw-araw eh handa akong pumasok, kahit magsiksikan pa o magkaubusan ng bakanteng upuan ay ayos lang sa akin. Kakandungin ko na lamang siya.

Tumatagaktak na ang pawis ko kahit malakas ang buga ng aircon ng tawagan ako ng teacher namin “do you have any idea about BLS (basic life support)?” ngumite lamang ako at sinabi kong konti lang po, ayaw ko namang ipangalandakan na syempre alam ko ‘yun dahil terapist ako. Kumulubot ang noo niya saka ipaliwanag ko daw ang konting nalalaman ko duon. Tumayo ako at kinuha ang chalk saka ipinaliwanag isa-isa ang alam ko duon.

“BLS stands for Basic Life Support and it implies no equipment is employed other than protective device.” mahihirapan silang maintindihan ako pakiwari ko kaya’t minarapat kong gamitan ng mga salitang makukuha nila agad sapagkat hindi naman lahat ng naririto ay nasalinyang kagaya ko, “hinati ito sa tatlong bahagi na tinatawag na ABC o ang AIRWAY, BREATHING at RESPIRATION.

May mga panuntunan sa pagbibigay ng CPR o cardiopulmunary ressucitation sa isang biktima. Ang (1)una ay ang alamin ang kalagayan ng biktima kung mayroon ba siyang malay tao o wala, tanungin siya kung ayos ba siya at kung walang sagot ay…, pangalawa (2) ay paghingi ng saklolo sa pamamagitan ng pagtawag ng pansin sa ibang tao o paggamit ng telepono, pangatlo (3) alamin kung may pulse or breathing/ pulso at paghinga ito, magkaiba ang pamamaraan sa bawat isang problema at didipende ito sa kalagayan ng pasyente at edad o laki ng katawan nito. Gayundin sa indibidwal na gagawa ng pagsagip buhay sa kanya, babatay ito sa lakas at kakayahang ipagpatuloy ang CPR hanggang sa dumating ang taong may kinauukulan, sa proteksyon na rin ng tagasalba.

Kailangang isaalang-alang din ang sariling katayuan. Halimbawa ay sa bansang Saudi na hindi o mas mainam na huwag makialam ang taong wala sa posisyon upang gumawa ng pagtulong. Manggagamot lamang ang pinapayagang gumawa ng ganito. Isa pang halimbawa ay ang pupuwedeng sakit na ikahawa ng tutulong tulad ng tubercullosis o TV dahil sa pagpapalitan ng hininga sa CPR ay malaking tsansa na makuha mo ang virus nito.

Ang CPR ay artipisyal na pagbibigay ng tulong upang mapanatili ang maayos na pagdaloy ng kinakailangang oxygen ng isang tao na nagmumula sa pisikal na tumutulong dito. Kung ang biktima ay may sariling pulso at paghinga ay hindi nararapat bigyan nito, isang mabilisang pagsisiyasat lamang ang dapat gawin tulad ng kaakibat na bunga ng aksidente. Halimbawa ay kung bumagsak ba siya ay tumama ang ulo o baka may nabaling buto… Kung walang paghinga ngunit may normal na pintig ng puso ay maaring bigyan nito sa pamamagitan ng pagbuga sa bibig nito. Ang pamamaraan dito ay: una ay ihiga ng tuwid at ibaluktot ang tuhod na ang paa ay nakayapak sa lupa.

“Bakit?”tanong ng isang kaeskwela. “Dahil mas kinakailangan ng oxygen ng utak kaysa sa mga binti nito. Sa apat na minutong makulangan ang utak ng oxygen ay malaking diperensiya ang ibubunga nito na hindi na maaaring maibalik sa dati dahil irreversible damage ito. Walang katangiang mag self-regenerate ang neurons o cells ng utak mo. “ sagot ko at nagpatuloy ako habang naupo na sa sulok si titser na parang ngayon lamang din nauunawaan ang pinagsasasabi ko.

“ipagpatuloy ko… siguraduhing walang distraksyon sa paligid tulad kung ito ay nangyari sa isang malapit na pagsabog o pagkasunog. Maaaring tanungin kung may roong tao sa paligid na marunong din mag CPR dahil hindi biro ang enerhiyang kakailangin upang ipagpatuloy ang gagawing proseso. Mainam kung dalawang tao ang gagawa nito. Kung solo ka lamang ay gawing 30 is to 2. Thirty compressions at two rescue breaths na may tig-iisa hanggang isa’t kalahating segundo ang bawat isa. Kung susumahin ay dapat umabot ito sa walumpo hangang isang daan sa bawat minuto.”

Hindi ko alam kung naiintindihan ako ng bawat nakikinig kahit taimtim silang nakatitig sa ginagawa kong pagpapaliwanag.Bahala na.”Hilahing pataas ang ulo sa pagkakahiga ng pasyente at ibuka ang bibig nito. Kinakailangang sasakto ang bibig ng tagatulong sa bibig ng tinutulungan. Tulad ni Miss Sexy na maliit ang bibig sa bibig ko,” at naghiyawan sila na sumisigaw ang ilan na subukan daw namin.Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako.

“Kung hindi sasakto ay sa ilong bubugahan ngunit ang isang kamay ang siyang magtatakip sa bibig ng pasyente upang di kumawala ang hanging iyong binubuga. Ngunit kung kaya namang maselyaduhan ang bibig nito ay mas mainam na mouth to mouth na nga upang masmabilis ang pagdaloy ng sapat na hangin sa bawat isa. Dalawang magkasunod na buga ng hangin ang nararapat.

Sa compression naman ay kinakailang tatlongpo itong magkakasunod na lalalim sa 4 to 5 cm sa dibdib nito ang bawat daggan dito. Kapain muna ang pinakamababang buto sa gitnang dibdib at itaas ng dalawang pulgada didiina ng magkapatong na iyong kamao. siguraduhing tuwid ang iyong mga braso habang patuloy na nakaluhod sa tabi ng pasyente. Gawing pagbibilang ay…one and two and three and four and five hanggang thirty. May “and” sa bawat bilang na magsisilbing pause na tumatagal ng isang segundo.

Matapos ang tatlongpung beses ay babalik sa ginawang pagbuga tulad ng kanina kong nasabi. Paulit-ulit lamang ito hanggang dumating ang amulansiya na magdadala sa pasyente sa pinakamalapit na ospital o hanggang sa magkamalay-tao ang biktima.

Kasama din dito sa BLS ang pagtulong sa taong na choke o nabilaukan. Ito yung may bumara sa daanan ng hangin, maaring ang pagkaing kinakain nito na napunta sa daanang hangin o tinatawag na trachea instead of esophagus. Ang pagtulong dito ay ang Heimlich Manuever. Ginagaw ito kung hindi kinayang matanggal ng bara sa apat na dagok sa likuran ng pasyenteng naka yuko sa pagkakatayo. Gagamitin lamang ang tagiliran ng kamao at sunod-sunod na patamain ito sa gitnang paypay o scapula sa likuran.

Kung hindi ito makuha ay tumayo sa likuran ng nakatayong pasyente at kapain ng dalawang kamay ang pinakababang buto ng dibdib, paghawakin ang dalawa mong kamay na tatama ito sa sikmura ng pasyente. Hilahin ang sikmura ng pasyente pataas na ikakayuko nito nang apat na beses o sa hanggang matanggal ang pagbabara…” pawisan na ako sa pagpapaliwanag sa masikip na silid-aralan habang nakamasid pa rin si titser na wari’y di naniniwala sa bawat sinasabi ko o nagtataka lamang dahil sa sinaad ko sa form na pinasa ko noon ay high school graduate lamang ako. Nagpatuloy pa ulit ako.

“Mahihirapan tayo kung malaki at matangkad ang biktima. Baka hindi natin kayaning itaktak siya kayat payukuin na lamang sa isang upuang may sandalan habang nakatayo saka palundag-lundagin sa sarili niyang pamamaraan…” hindi ko natapos ang pagpapaliwanag ng may magsigawan sa likod… Nawalan ng malay-tao ang isang estudyante na ikinabagsak nito. Mabuti na lamang at may nakasapo dito.

Tinawag ng karamihan si titser kung anong gagawin ngunit tila natulala ito tulad ng pagkatulala sa pakikinig niya sa akin kanina. Hindi niya alam ang gagawin na parang hindi alam ang mga ginawa kong pagpapaliwanag. Ako na ang kumilos at ang dalawang Nurse na kaeskwela ko din at kasama si Miss Spaghetti na tagapaypay at nagtataboy sa mga tsismosang kaklase namin. Malamang kasi ay naubusan siya ng oxygen dahil sa mainit at masikip na silid.

Nagsiuwian na ang lahat ng pasalamatan ako ni titser. Pasensya ka na ha at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil magaling lamang ako sa teyorya eh at kulang sa eksperyensya pa, “walang anuman po dahil kasama naman ‘yan sa trabaho ko, kahit wala ako sa ospital ay kailangang gampanan ko kung ano man ako…”

Paglabas ko sa gusali ay inaantay ako ni Miss Spaghetti “Jeff, pauiwi ka na ba? Sabay na tayo dahil taga-Caloocan din ako” syempre sagot ko “Sure and why not.”

end..

 (Note–>sa iba ay gumagamit ng 15:2 compression: rescue ..breaths medyo nakakapagod nga lang. Normal Adult CPR only.)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: