Sequel: Sa likod ng Star City (maikling kwento)…

Sequel: Sa likod ng Star City (maikling kwento)

 

“Diyos ko bakit ngayon pa po nangyari ang lahat ng ito…labing tatlong taon po… ba- – -kit nyo po ipinagkait ang matagal ng pinakaiintay…o bakit?! Mahal na mahal ko siya..” at tumulo na ng tuluyan ang luha ko habang pinagmamasdan ang hampas ng mga alon sa tabing pampang ng manila bay sa likod ng Star-City.

 

Pangatlong taon ko na sa pangungulila sa asawa ko simula ng iwan niya ako at tuwing alas siyete ng gabi ay sumasaglit ako dito sa parking lot upang sariwain ang lahat. Ginagawa ko ang mga bagay na ito… ang mga bagay na nagpapasaya sa akin at dumudrog din naman sa aking damdamin. Pilitin ko daw kalimutan ang lahat ngunit hindi ko magawa, hindi ko kaya dahil patuloy na nananariwa ang mga sugat ng kahapon sa tuwing makikita ko ang lugar na ito… ang lugar kung saan una at huli naming pagkikita…

 

“Ano ka ba naman at sa tuwing susunduin mo ako dito sa burger stand ko eh sa malayo ka pa rin nakatingin, kailan ka ba titigil ha… kailan ka ba titigil sa paghahanap mo. Labing-tatlong taon na—

 

“Sandali Mahal at parang kilala ko iyong kasama noong binatilyo…” at lumapit siya sa mga nag-uusap na ginawa ko namang dahil sa nakita kong seryosong mukha ng asawa ko. Nanginig ang buto ko sa ‘di malamang kadahilanan at parang ayaw ko malaman ang magiging kasagutan sa nararamdaman ko

 

“b- -aka mahuli tayo na nakikinig. Si – – no ba siya, ang anak mo?” pabulong kong tanong sa titig na titig na asawa ko sa isang matandang babae at binatilyo na kung titingnan mo ay siguro ay nasa labing walo hanggang dalawampong taong gulang ito tapos may kasama pa pala itong animo’y siyota na napakagandang dalagita. Masasabing medyo mestiza ito at nababagay sa binatilyo…

 

“Maaari nga na anak ko siya dahil kahawig na kahawig ko siya noong bata pa ako at yung matandang babae ay si yaya Using iyon…teka at lalapitan ko. Marahil ay hindi naman na nila ako nakikilala. Dyan ka lang mahal ko…” utos niya sa akin pero dahil sa kakaibang nararamdaman ko at patuloy na dagundong nang puso ko ay sumunod ako sa likod ng asawa ko at iniwan sa alalay ko ang burger stand. Nagmamatyag sa malapitan ang asawa ko at ako naman ay pinagmamatyagan ang asawa ko sa ‘di ka layuan

 

“Ale… ale… pwede po ba kayo makausap?” sabi sa mahinang boses ng asawa ko sa matanda ng medyo mapalayo sa mag-syota

 

“A- -ko po ba ang tinatawag nyo? Ahhhh…. ikaw si…??? at nagulat na tinuran nito. Nakilala ni yaya yata ang asawa ko. Dilat na dilat ako nanakikinig sa mahinang usapan nila na nagkukubli sa isang halamanan

 

“OO ako nga ito yaya…”

 

“Sir… kamusta na po kayo!!!” at tuluyan ng humagugol sa iyak ang matanda

 

“Mabuti…mabuti yaya. Si – ya na ba si Angelo yaya? Siya na ba ang anak ko—“

 

“OO Sir…Opo” sagot ni yaya na di ko napansin na tuluyan ng tumulo ang luha ko. Magkahalong saya dahil labing-tatlong taon na naming pinagdarasal ang araw na ito ni Mario sa halos lahat ng simbahan sa kamaynilaan at lungkot na may kahalong pangamba na baka ito na ang maging dahilan ng pag-iwan sa akin ni Mario. Baka bumalik na siya sa tunay nitong asawa…baka nagbago na ito..baka sila pa ulit sa huli…napakaraming baka ang pumapasok sa isipan ko ng mga sandaling iyon at patuloy sa pagtulo ang luha ko. Gusto ko mang tumakbo papalayo ay hindi ko magawa at parang nananabik na malaman ang susunod na mangyayari sa kanila

 

“La–lapitan ko siya yaya..”

 

“Huwag Sir dahil kasama niya si Margarette na nobya niya. Baka magalit si Sir Angelo  dahil nga po maldita yang babae at mapahiya si Sir kapag nalaman na ikaw pala ang ama niya at hindi…si Sir Leonard.” lumokso ang dugo ko ng marinig ang sinabi ni yaya na may asawa na pala ang tunay na asawa ng asawa ko.

 

“Gawan mo na lang ng paraan yaya na magkausap kami – – – Mahal, halika nga dito at lumabas ka dyan sa pinagtataguan mo ng makilala mo si yaya Using.” at nakita pala ako niya kaya mabilis ako lumapit sa dalawa. Medyo kalmado na ako ngayong humarap at nagpakilala bilang bagong asawa ni Mario. Mabait pala talaga si yaya…

 

“Maiwan ko po muna kayo Sir-Ma’am at gagawa ako ng paraan na mahila ko sa inyo si Sir Angelo…” at iniwan kami sa kabilang kanto ni yaya Using at nagmamadali itong humabol sa magsyota

 

“Mahal parang familiar sa akin si Margarette na nobya ni Angelo. Parang nakita ko siya na may ka holding-hands at sweet na sweet na kumain sa burger stand natin pero iba ang kasama niya.”

 

“Sigurado ka ba eh ang daming kumakain sa atin?”

 

“OO naman kasi nga ang nagbayad noong kumain sila ay si Margarette at gandang-ganda ako sa kanya talaga pero… bakit siya ang babae pa ang nagbabayad… sabagay ay posi naman kasi din yung kasama niya pero syempre pogi din si Ange..”

 

“Huwag mo na tapusin at kung ganyang babae pala siya ay pwe-pwede ako magpakita sa kanilang tatlo. Anak ko si Angelo at may karapatan ako bilang ama niya. Puta siyang babae! Putang-ina niya!!! Kay tagal ko itong inantay eh Puta pala siya..” nang-gigigil sa galit na iniwan ako ng asawa ko at sinundan ko ulit siya. Ganoon nanaman ang eksena…sinusundan ni Mario sina Angelo at ako naman ay sumusunod sa asawa kong si Mario. Napakadaldal ko kasi eh pero tama din naman sa palagay ko na sinabi ko agad iyon at baka makawala pa ang anak niya

 

“Yaya saan ba tayo pupunta at kelangan nating iwan si Margarette duong mag-isa?”

 

“Angelo kasi… siya ang tunay mong Daddy!” mabilis na sabi ni yaya ng makabanggaan pa si Mario sa kasusunod sa kanila

 

“Daddy..ikaw nga po at natatandaan ko po iyon kahit aapat na taong gulang pa lamang ako ng iwan mo ako…” sabi ni Angelo na wala man lamang reaksyon sa mukha nito parang balewala na makita ang ama nito

 

“Hindi mo ba yayakapin ang Daddy mo anak?!”

“Hindi na po kailangan at tara na yaya at baka nag-aantay si Margarette” at mabilis na tumalikod si Angelo at kitang-kita ko ang panglulumo ng asawa ko na tuluyan na muling umiyak na siya na ring naging dahilan ng pagtulo muli ng luha ko. Nilapitan ko si Mario at walang salitang niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit upang ipasa niya sa akin ang bigat na nararamdaman. Parang hinang-hina siya at gustong matumba sa kinatatayuan…

 

“Halika na Mario.. halika na…”

 

“Sir Mario…huwag kayo mag-alala at kakausapin ko ang anak mo at ipapaliwanag po. Ito po ang number ko sa papel at tawagan nyo na lamang po ako bukas. Paalam po Sir..” sabat ni yaya ng makita ang kalagayan ng dating anak-anakan nito

 

“sige yaya…salamat!” sagot ko at hinila ko na si Mario papunta sa likod ng Star-city sa tabing dalampasigan upang maibsan ang kalungkutan nito. Dito sa baybayin ng baywatch kami parati nagmamasid at nagpapalipas ng oras kapag napapaaga ang dating sa trabaho. Itong lugar na ito ang saksi sa maraming pangyayari. Iyak at tawanang walang humpay ng ibat-ibang pusong marunong magmahal, kasama na duon si Mario…

 

“Mario…Mario ayun si Margarette at kayakapan pa yung lalaking sinasabi ko sayo!!!”

mabilis na sinabi ko ng mamatyagan ko sa ‘di kalayuan ang dalawa na parang may tinataguan sa loob at mabilis ding bumalik ang dating lakas ng asawa ko na tinungo ang dalawa

 

“Teka…teka Mario at anong gagawin mo!!!” muling dumagundong ang puso ko. Tama ba ang nasabi ko nanaman sa kanya.. mali ata…mali nanaman ako ang naisip ko habang humahabol sa mabilis na lakad niya

 

“Hoy babae at sino itong kinakayakap mo samantalang naanduon sa loob at naghahanap sayo si Angelo…” tinuran ng asawa ko habang hinihila papalayo sa lalaking kayakap nito si Margarette

 

“ Bulshitt… who are you ba?! tulungan mo ako..” sigaw ng babae habang pilit nagpupumiglas sa mahigpit na paghila ng asawa ko

 

“Putang-ina mo!!!” sigaw ng lalaki ni Margarette at habang sinaksak nito sa tagiliran ng ilang beses ang asawa ko na siyang naging dahilan ng pagkabitiw nito. Napakaraming tao ang nakakuha ng atensyon  sa pangyayari at mabilis na naki-osyoso ngunit ako ay hindi makagalaw sa pagkabigla lalo na ng makita ang pabagsak na katawan ng pinakamamahal kong asawa…

 

“Mario…” sigaw ko at mabilis na inilagay ko sa kandungan ko ang katawan niya at pilit na pinakikinggan ang mahinang mga salitang lumalabas sa bibig ni Mario

 

“Angelo patawarin mo ako kung naging duwag ako noon… Angelooo… at tuluyan ng binawian ng buhay si Mario.

 

Mabilis kong tinawagan si yaya ng bumalik ang katinuan ko…

 

“Wala na ang daddy mo Angelo…wala na siya sayong tuluyan…wala na…. binigyan kayo ng pagkakataong mag-usap ng Diyos ngunit hindi mo siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag… Mahal na mahal ka niya at walang araw na hindi niya binangit ang pangalan mo sa akin…Naging duwag siya noon, OO.. pero para iyon sa sayo dahil maaari siyang patayin ng Lolo mo ng mga sandaling iyon o ipakulong ng Tiyo mo…” mga huling sinumbat ko kay Angelo sa huling lamay para kay Mario

 

“Miss…miss… gusto mo bang bumili ng payong kasi umaambon na!” sabi ng binatilyo sa akin na siyang nagbalik sa katinuan ko…

 

“Ay hindi na!” sabay tumayo ako

 

“Panyo baka gusto mong bumili kasi umiiyak ka na rin!” pangiting sabi nito na may kahalong pang-uuyam sa akin

 

“Wala kang paki-alam!” at tumakbo na akong pabalik sa loob kasabay ng malakas na buhos ng ulan…

 

Siguradong bukas at sa susunod pang bukas ay makikita ulit akong nakamasid sa dalampasigan sa likod ng Star City…

 

 

 

 

 END…

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: