agimat sa pag-iibig

Agimat ng Pag-ibig   by: dyeppri

    (orasyon)

 

May kapares ang lahat

ng bagay na nilalang

at ang mahirap ay

ang hagilapin ito.

sa kahit ano

ay handang pasukin

makamtan lamang

ang pag-ibig mo…

(isang basa lamang ay ayos na.)

——————————-

 

“Ano ba ‘yang binabasa mo diyan Manuel?”

“Bigay ni Tata Igme ito.Orasyon daw sa pag-ibig.”

“Binili mo?Nagpapaniwala ka duon sa matandang iyon.Siya nga itong matandang binata at hindi nakahanap ng magmamahal sa kanya.”

“Huwag mo nga akong pakialaman.Bukas may magmamahal na sa akin, makita mo!Tulog na ako at may exam pa ako sa geometry bukas.”

“Sana nga may magkagusto sa tipo mo!” pahabol pa ni Jay bago ako tuluyang nakatulog.

 

“O kamusta exam? tanong ni Jay habang nagbibihis ako kasi makikipagkita ako sa ka-chat ko na taga-kabilang baryo.Swerte yata ako ngayon at malapit lang dito ang future girlfriend ko, “hirap nga…dadaanin ko na lang sa pakikipagdate sa bayan kay Azie. Nakumbinse ko ring makipag-eyeball sa akin sa wakas.hehe!”

 

“Talaga..”mukhang hindi makapaniwala si Jay sa swerte ko ngayon at kung ano-ano pa ang pinagsasabi niya na hindi ko naman pansin dahil nagmamadali ako at baka mahuli ako sa tagpuan namin.Patakbo akong umalis dahil eight ang usapan namin at pasado alas otso na.Takot akong baka hindi namin maabutan ang last full show sa bayan.

 

Alas otso-e-medya na nang marating ko ang Hacienda Inn na halos patakbo kong tinungo ng bumaba ako sa kakaragkarag na bulok na bus.Palingon-lingon ako ng pumasok ako sa magarang restaurant.Ito ang pinaka-class na restaurant sa Lucena at talagang handa akong ubusin ang isang buwang allowance ko sa iskul para lamang mapahanga ang ka-date ko.

 

Mukhang siya iyong nasa dulo na nakaitim na blouse na gaya ng tinuran nito sa YM niya. Lapit ako.”Ehem…miss ikaw po ba si Azie?” Sheeeet…ang ganda niya at mala-kastilain ang dating.Wow to the max at ang swerte ko.Ibang-iba ang ganda niya sa personal na halos ikalaglag ng brief ko.”Yes…and you are Manuel?” Paksheet talaga at mukhang sosyalera pa. Putcha manginig ka sa inggit ngayon Jay kapag napasagot ko siya, sa isip-isip ko.

 

“Hindi mo ba type ang mga na-order natin at mukhang ang konti-konti ng nakain natin ah?” patanong ko sa kanya upang ipamalas ang pagiging maaalalahanin ko.Malamang na sa kaseksihan niya ay talagang pinaninindigan nito ang pagda-diet n’ya, sa loob ko.

 

“Nice naman ang taste kaya lang…” pinutol ko upang hindi na siya mapahiya sa pagkamausisa ko, “diet ka…” at tumango na lamang siya.Napakatipid talagang mag-salita ni Azie at talagang mababakas ko sa kanya ang pagiging isang dalagang pilipina nito maliban sa pag-iingles niya.My goosh,my gooosh, galigalilooo… kaya ba ng power ko ang ganto ka simpleng personality pero sosyal. Pinagpapawisan ako ng malamig sa kanya pero feeling ko eh MAHAL KO NA SI AZIE.

 

Nanood kami ng sine. Akala ko nga noong una mabo-bore ako sa katahimikan niya eh umpisa lang pala iyon at may kalokohan pa rin pala siya.Sobrang daldal din niya na halos ikagalit na nga ng mga katabi namin sa ingay naming dalawa sa sinehan.Enjoy talaga akong kasama siya at ‘di namin namalayan ay tapos na ang palabas. Sheet… gabi na.

 

“Hatid na kita ha, kasi twelve na?” kahit ayaw ko ay napilitan akong mag-offer sa kanya naihatid siya sa Tayabas. Last trip na alam ko ang aabutan namin at malamang ay wala na akong masasakyan pabalik sa Lucena at isang sakay pa ulit ako papuntang Sariaya. Kabado akong hinihintay ang sagot niya na…kaya ko na.

 

“Talaga, hatid mo ako? Sige let’s go.” napa-sheet nanaman ako, SHEET papahatid nga siya. Bahala na at inisip ko na lang na ‘yun ang tama talaga, be gentleman ako. Isa pa eh baka maka-score pa ako sa kanya dahil alam ko maluwag na sa oras na iyon ang bus na patungo sa bayan nila tsaka pihadong papatulugin na nila ako sa bahay nila ano. Ano ako bale na tatanggi kapag inalok ako.

 

Mabilis naman ang biyahe namin kaya nagmabilis na din ako na maka-score kay Azie. Una ay kunyaring nilalamig ako sa hampas ng hangin sa bintana kaya humilig na siya sa balikat ko.Ayos.Hinawakan ko naman ang mga kamay niya at pinatong sa mga hita ko.

Grabe na ‘to at hindi man lamang siya pumalag.Siruradong tuloy-tuloy na akong makaka-score nito at sa championship na ito hahantong.

 

“Para!” pumara si Azie na ikinagulat ko. Huh, bababa na kami. Sumunod lamang ako sa kanya sa pagbaba at palinga-linga habang tinatanaw ang papalayong bus. Tinanong ko si Azie “saan ba ang sa inyo at tila puro talahib at dilim lang ang nakikita ko MAHAL?” at talagang sinadya ko ng tawaging mahal si Azie kasi baka rereypin niya ako dito sa gitna ng parang sa mahabang talahiban.

 

Hindi na siya sumagot at hinila niya ako papasok sa kadiliman ng gabi. Nginig at takot ang naramdaman ko at talagang tinalo nito ang kanina ko pa nararamdamang libog sa katawan ko.Gusto ko ng tumakbo ngunit nilabanan ko ito. Ang mga kababalaghan ay sa komiks lang nababasa at sa sinehan nakikita.Ang nagaganap ay isang magandang pangyayari at kailangan lamang manaig ang lakas ng loob ko at syempre libog din ulit.

 

“PUTCHA” mukhang totoo ang komiks at sine dahil kumikislap na ang pangil ni Azie at mukhang handa na niya akong sakmalin sa leeg.Takbo-takob ako pabalik sa gitna ng hi-way.Bahala na kung masagasaan ako kaysa naman mamatay sa kamay ng aswang. Kitang-kita ko na tila lumilipad sa ere si Azie, aswang pala siya.Isa siyang mananaggal. Wahhhh! Wahhh! pasigaw ako.

patlang…

TOINK… nahulog ako sa kama.Sheet at isang panaginip lang pala iyon. Ngunit parang totoo talaga ang lahat.Sayang si Azie, sayang ang kanyang kagandahan, sayang ang naramadaman kong may magmamahal na pala sa akin.Palpak ang orasyon.

 

Pumasok ako sa iskul na lantutay at wala sa sarili noong umagang iyon. Kinuwento ko kay Jay ang lahat at tawa ito ng tawa.Halos maihi siya sa katatawa sa kwento ko o sa pagkahulog ko sa kama.Inis akong iniwan siya dahil akala ko ay dadamayan niya ako e pagtatawanan lamang pala.Tumuloy ako sa bayan ng Lucena at nais kong kumain ng masarap-sarap.

 

“Aba!” mukhang kahawig ni Azie yung babaeng papalabas ng simbahan.Sheet nanaman ang nasabi ko. Siguro naman ngayon ay hindi na ito aswang kasi tahanan na iyon ng Diyos at takot naman siguro silang pumasok duon.Patakbo akong humabol kay Azie…

 

“Miss ikaw po ba si Azie?” muli kong tanong sa kanya at nangatog muli ako.

“Yes, do I know you?” tanong nito muli sa akin at talagang nahintatakutan muli ako kasi ganoong-ganoon ang panaginip ko kagabi, isang napakagandang-sosyalerang aswang.

“Excuse me…” nagulantang ang pagkatulala ko sa nangyayari at sagot ako “A—e- – kasi

ako si Manuel yung ka-chat mo at namukhaan lang kita.

“Yah…Manuel, oh my…ikaw nga yung ka-chat ko.” at natuwa na ako kasi nakilala na din niya ako.

 

Grabe at super to the max ang tawanan namin. Namasyal kami sa park at kumain sa Mc Donalads ng Lucena. Ayaw ko na sa Hacienda Inn at baka bumalik muli ang aswang. Hay, life..

 

“Uy, may night-swimming kami sa Fresh-air Hotel at baka gusto mo sumama?”

 

“Okey lang ba. Groups kayo?” pagtatanong ko. Hindi sa nahihiya ako sa mga friends niya kundi aayaw ko ng dalawa lang kami.Ayaw ko talaga dahil sariwa pa ang panaginip ko tungkol sa kanya kagabi. Baka hindi ko na iyon kayanin pa.

 

“Okey lang yun sa mga friends ko…’ sabay ngite nito na nagpatibok muli ng puso ko. Sheet talaga at MAHAL KO na ulit siya. Oh, my Azie!

 

“Basta ba makikita kitang naka two-piece ay ayos yan sa akin.”

 

“Baka hindi lang ang two-piece ko na bathing suit ang makita mo!” pangite nitong sabi na animo’y nang-uuyam sa akin. Natakam naman ako at nagpatigas sa buo kong katawan.Ngayon masasabi ko na na nangibabaw muli ang Libog sa Takot.Bahala na.

 

Accomodating naman ang lahat ng friends ni Azie. Lima silang babae at ako lang ang lalaki. Sheet ulit ako. Pang ilang sheet ko na ba ito simula kahapon ng makita ko silang sabay-sabay na nagsipag hubad ng mga saplot at natira lamang ay ang kanilang mga two piece bathing suit. Langya at talagang ready sila ah, sa isip-isip ko.

Tatlo lamang kaming naiwan sa kwarto. Si Marian, si Azie at ako. Tinanong ko si Azie “ayaw mo pa ba maligo?” at sinagot lamang ako ng isang iling. Lumapit siya sa akin at niyapos ako. Sheet muli ako. SHEET.

 

“teka si Marian ay andidito oh…” mahinang sabi ko.

 

“okey lang sa kanya yan…ohhh” pahalinghing na sabi ni Azie

 

Grabe ang lambot at ang kinis ng puting-puting katawan nito. Gumapang na ang buo kong kamay sa katawan nito at sinalat ang buong pagkababae niya. Bahala ka Marian kung nanonood ka man,  sa utak ko. Walang patid ang pagpapalitan namin ng hininga.

Kapa dito, kapa duon ang ginawa ko.Hingang malalim bago ko siya tinulak sa kama.

Uhhhhm…tulak…teka ang lakas niya at hindi ko magawang matulak at maihiga sa kama si Azie. Sheeeet… lumabas ang pakpak na itim nito at naglalangis-langis ang katawan.

Putcha….ayaw ko na sa iyo Azie. Aswang ka talaga.

 

Patakbo akong lumabas ng hotel kahit hubo’t hubad ako. Tinginan ang lahat ng nakakakita sa akin na animo’y ako ang aswang na dapat katakutan. Saigaw ako, ASWANG! ASWANG!

 

“Sir…sir… nakatulog po kayo.” patapik-tapik na sabi ng nagsasalita sa harap ko.

 

“Sheet…asan ako?” nasa Mc do daw ako at nakatulog.

 

Tanamits talaga at anong nangyayari sa akin. Sa tuwing makakatulog ako ay si Azie ang napapanaginipan ko at swerte naman na may gumigising sa akin. Ano ba ito?

 

Humingi muli ako ng payo kay Tata Igme at ang sabi niya ay kailangan daw na ipamahagi ko sa iba ang orasyon at kwento ko.Katulad daw ng orasyon at pagkwekwento niya sa akin. Putcha at langhiyang buhay ito at dinamay pa ako, sabi ko sa isip-isip ko.

 

Ngayon ‘di ko alam kung papano ito ikwekwento sa iba. Dito na lang siguro. Bahala na…

 

end….

author: dyeppri —-dyeppri1975@yahoo.com

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: