Ang Aral Mula sa mga Timba sa Balon

Ang Aral mula sa mga Timba sa Balon 

Maikli lamang daw ang buhay at kung papaano mo ito papatakbuhin ay nasasayo, kung ang isang  “mapaghanap at matamlay” na ikaw o ang isang “masaya at masiglang” ikaw.  

Habang nabubuhay  ang isang tao ay may siguradong kaakibat itong sariling suliranin dahil ang lahat lahat ng nilalang ay may kanya-kanyang pangangailangan. Sa pangangailangang ito nagsisimula ang problema, tulad ng kung papano kakamtin ang lahat ng ito. Sa pagkabigong makuha ang mga bagay na ito ay doon nag-uugat ang pagiging matamlay at malungkot ngunit masasabing normal pa rin ito. Ang hindi normal ay magpatalo at magpadala sa pagkabigo at ang Hindi nararapat ay ang maupo na lamang sa isang sulok at magmukmok dahil gawin mo man ito ay patuloy na iikot ang mundo sa iyo, maiiwan ka lang at mauubusan ng panahon. Mauubos ang panahon na dapat ay masaya na ginagamit ang nalalabing oras. Naalala ko yung kwento/parable ng “dalawang timba sa balon”.

Maaaring nabasa mo na ito (ngunit hanggang basa na lamang at ipinagkibit-balikat lamang).Ngayon alalahanin natin ng sabay ito at baka makatulong para sa atin sa pang-araw-araw na pagtingin sa ating buhay. 

ooOoo 

May dalawang timba na nakasabit sa isang malalim na balon ang nag-uusap. (Hindi pa noon uso ang poso o ang gripo sa lababo.) Ang dalawang timbang ito na panalok ng tubig ay parehong-pareho sa lahat ngunit magka-iba ng pananaw sa buhay. 

Unang Timba: Ayaw ko ng ganitong buhay, ang bigat ng pakiramdam ko at nakakabagot. Sa tuwing sasalok tayo ng tubig sa ilalim ng madilim na balon ay pagod na bagod akong bubuhatin ito papataas. Kapag narating na ang taas ay mauubos na muli ang laman. konting panahon ko lamang naramdaman na napupuno ako. Kakasawa na. 

Hinagpis at puno ng pagdaramdam ang buong buhay ng unang panalok na timba sa balon samantalang ang pangalawang timba ay kabaligtaran sa kanya. 

Pangalawang Timba: Ako gustong-gusto ko ang buhay ko, masaya ako na sa tuwing nauubos ang laman ko ay sasalukin ko lamang  muli ang tubig sa ilalim ng balon ay napupuno na ako. Mahirap man ang buhatin ang bigat-bigat na dala natin ay okey lang dahil alam ko na may halaga pa rin ako para sa iba. 

ooOoo 

Nasasayo kung aling timba ang magiging batayan mo . Sasayangin mo ba ang pagkakataong ibinagay sa iyo na maging masaya rin sa iyong buhay… Ikaw? Nasasayo yan.Ako lamang po ito.Cool

 

dyeppri

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: