Sa Likod ng Star City…(maikling kwento)

Sa likod ng Star City…

 

 

“Ano ba ang aking naging kasalanan sa mundo… Wala na ba iyong kapatawaran?!” mga sumbat sa Kanya na kasabay ng pagtulo ng aking mga luha  habang inaalala ang nakaraan sa loob ng Star-city ang mahinang pagpatak ng ulan na animoy nakikisimpatya sa aking naghihimutok na damdamin

 

“Angelo…asan na naman ang mommy mo?” pamaktol na pagtatanong sa aking kaisa-isang anak. Ewan at kung bakit hindi pa ako na sanay sa mga tagpong ganoon. Marahil ay sa umaasa akong  baka isang araw ay iba na ang isagot ng aking anak sa katanungan ko. Umaasa na biglang magbago ang ihip ng hangin para sa mahal kong asawa. Sana nga Diyos ko…

 

“Daddy kasi tumawag si tita Joe at nagpasama na magsho-shoping daw sila. Gusto ko nga po sanang  sumama pero ayaw naman niya eh. Istorbo lang daw po ako at isa pang intindihin.” pagtatampong sagot nito

 

“kasi nga 4 years old ka pa lang anak at hindi ka pa pwede sa mga pinupuntahan nila… mabuti pa ay magpabihis ka na lang kay yaya mo at pupunta na lang tayo sa star city” ganoon naman parati, na sa tuwing nagtatampo ang aking anak  ay ako ang gumagawa ng paraan para sa kasiyahan nito. Kahit pagod na pagod ako galing sa trabaho ay wala akong pakialam basta para sa anak ko.

 

“Daddy sa boat tayo sumakay…halika na daddy please.” syempre hindi ako makakatangi kahit nahihiya na puro kabataan ang sakay noon ay hala at sasakay na din ako kasi para sa anak ko ito eh. Kay sarap panoorin ng mga pagtawa ng aking anak. Mga sandaling ayaw kong makalimutan. Minsan naiisip ko na papano kaya kung binata na siya, sweet pa rin kaya siya sa daddy niya. Wala pa yata akong nakitang mag-ama na tumanda na ang anak ay ganito ka sweet parin sa tulad sa amin. Baka mapagkamalan pang bakla ang anak ko. Huwag na lamang siguro!

 

Walang sandali na nainip ako kapag kasasama  si Angelo. Parang napakadali ng mga oras…parang walang problema na hindi ko kayang ma-solve. Ngunit ito lang ang hindi ko kayang malusutan…

 

“Daddy sino siya?”  nakakunot ang noo na halatang may pagdududa sa mukha nito

 

“Ah tita Elena mo siya..” mahinang kong sagot  sabay hila kay Elena papalayo sa anak ko pero yung natatanawan ko  pa rin siya

 

“Elena papano mo nalaman na nandidito ako? Hindi mo ba naisip na baka magsumbong siya sa mommy niya? Tanga ka ba?” galit na galit ako ng mga sandaling iyon dahil ayaw ko na malalaman ng anak ko ang bagay na iyon

                                                                                                                 

“Putang ina ka naman Mario…Tang-ina mo naman at pinagtataguan mo na yata kami ng panganay mong anak. Hindi lang naman siya ang anak mo ah!”

 

“Putang-ina mo din Elena… Hindi ko naman nalilimutan iyon at gipit lamang ako ngayon tsaka busy din sa trabaho. Para namang hindi ko alam na may bumubuhay na ngayon sa inyo ni Junior ah! Dalawa pa nga ata yang lalaki mo ngayon eh… Putang-ina at akala mo hindi ko nalalaman yan.”

 

“Huwag ka na marami pang salita at ibigay mo na yung liman libo ko at aalis na ako…bilisan mo! Pasalamat ka at hindi ko sinasabi sa asawa mo na may anak ka na sa akin bago pa naging kayo…punyeta ka!”  parating ganoon ang eksena namin na mumurahin ko muna siya bago ko ibigay ang kailangan niya…Wala ako magawa eh kasi naman ako…

 

“Putang-ina at ang dami pa sinasabi eh magbibigay din naman pala. Diyan na kayo!”

 

“Hoy…yung anak ko alagaan mong mabuti at hindi yung panglalalaki mo! Puta ka!”

 

 Pag-uwi namin sa bahay ni Angelo ay naabutan namin ang mommy niya na lasing na lasing…

 

“Mabuti…Hik…naman at dumating ka nang peste ka! Nakikipagkita ka pa pala sa dati mong Nobya. Ano masarap pa din ba siya ha?! Lumayas ka lumayas ka!!!” natulala lamang ang anak ko sa mga naririnig niya kasi noon ay parati ko siyang pinapapasok sa kuwarto kapag may ganitong mga eksena sa aming dalawa

 

Papanong…mo nalaman ito!” dumadagundong ang puso ko noon at halos gusto ko matumba sa kinatatayuan ko…si Elena at sigurado ako. Putang-ina at naisahan niya ako dahil alam siguro niya na plano ko ng magpakalayo kami ng buong pamilya ko.

 

“Hindi na importante…sige at subukan mong isama si angelo ng malaman ni daddy ang ginawa mo at sigurado din akong malalaman ito ni kuya…patay ka!” wala akong nagawa at iniwan ko sila. Papanong hindi ko iiwan eh general ang daddy niya at magaling na abogado si kuya Brando…eh ako ay isang mababang kawani lamang sa gobyerno na ang alam gawin ay humarap sa typewritter…

 

Angelo… huwag kang mag-alala at naandyan naman si yayamo  eh. Magkikita pa naman tayo!” basang-basa na ang t-shirt ko sa mga luhang patuloy na bumubulwak sa aking mata …kahit anong aking papipigil ay walang paraan na mapahinto ito…hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagluha…

 

“Sir..umiiyak po ba kayo? A–ano po ang order nyo Sir? Ito po ang tissue o..” nasa fast food ako ng mga sandaling iyon sa loob ng Star-city dahil nalalapit nanaman ang kapaskuhan. Nagbabakasakali na mamasyal si angelo kasama ang aking asawa. Napakatagal na rin kasi ng panahon ng iwanan ko siya…hindi na ipinakita ng mahal kong asawa ang anak ko. Hindi na din ako nagpakita pa kay Elena at pinaaabutan ko na lamang ng pera sa ate ko si Junior na ngayon ay magha-high school na.

 

“Salamat Miss…Salamat… hindi na lang ako o-order at uuwi na ako kasi hindi naman dumating ang ina-aking inaantay at isa pa ay papalakas na ang ulan!”

 

“Kelan po kayo babalik Sir? balik kayo ha…”

 

“OO naman pero baka next year na kasi bukas ay bisperas na ng pasko at malabo ng dumating ang inaantay ko.”

 

Naglakad ako papalayo tungo sa likod ng star city at hindi inalintana ang buhos nang malakas na ulan…

 

end…

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: