horoscope

Horoscope

 

Leo: Ibat-ibang kamalasan ang mangyayari sa’yo sa araw na ito kaya’t ibayong pag-iingat ang nararapat mong gawin. “Wag magtitiwala sa ‘di kakilala. Mapapalagpas mo ang isang napakalaking oportunidad sa buhay mo sa araw na ito. Suwerteng numero. 1-8 Malas na numero: 2 at 6   Suwerteng kulay: itim at pula   Malas na kulay: Puti at Asul

 

Mukhang mamalasin nga talaga ako ngayong araw na ito ah. Bayad ko nga po,” isang daan ang inabot ko sa tindera ng dyaryo. Ngunit anim na piso lang ang sinukli niya. “Teka po at isang daan ang pera kong inabot sa inyo.” Mukhang maloloko pa yata ako nitong ale.

 

“Sampong-piso lang po binigay ninyo. Kahit tingnan nyo at wala pa akong benta.” Parang nagmamakaawang sabi ng ale.

 

“Pe-ro alam ko isang daan ang inabot ko ah! Sige na nga ho at sa inyo na iyon.” Sigurado ako sa inabot ko at naloko talaga ako. Sheet! ang nasabi ko na lamang sa sarili ko at malas lang talaga ako. Hayaan mo na. Tama siguro yata ang horoscope ko sa araw na’to.

 

Late na ako at malayo pa naman lalakarin ko. Pagbaba ko kasi sa Blumentrit  Station ay may tatlo pa akong kantong lalakarin papunta sa sakayan ng del Monte Avenue patungong Banawe Street. Nagtratrabaho kasi ako noon sa National Orthopedic Center taong 1999.

 

“Sir anong nangyari at kanina pa kayo inaantay ni Doc Santos kasi marami daw pasyente sa OPD?” halatang ninenerbiyos si Manong Guard. Siguradong isang tambak na naman ang pila ng nabalian ng buto, sa isip-isip ko.

 

“Pasensya na manong at traffic sa Edsa.” pabiro kong sagot dahil alam naman niyang galing ako sa Caloocan at hindi naman ako dumadaan sa Edsa. Nang-aasar lang ako.

 

“Maaasar ka ngayon Sir dahil mag-isa ka lamang at nabangga kanina sa parking lot sa labas ang kotse ni Kuya Rudy kaya nag-absent at pupunta daw sila sa LTO at sa insurance para mapagawa iyong owto niya.”

 

Malas naman talaga yata ako ngayon. “Kilala nyo ba manong kung sino ang nakabangga?”

 

“Yung X-ray Tech si Elmo.”

 

Putcha at kilala ko yun ah! Tama talaga horoscope ko. shet talaga, bulalas ko. Si Elmo ay may Toyota Lancer na kulay asul at may palakang WRT 266.  Ang kulay ng uniporme niya ay puti tsaka malamang brief niya rin ay puti dahil babakat iyon sa pantalon niyang puti kaya masagwa naman ata kung iba ang kulay niyon. Malamang puti din ang sapatos niya upang bumagay sa uniporme nito. Isa-isang pumasok ang mga bagay-bagay na tumutugma sa nabasa kong horoscope. Malas! Malas! ang paulit-ulit ko sa utak ko.

 

“Bakit Sir kayo mukhang balisa at mukhang apektado masyado kung si Elmo man iyon?”

 

“Wala naman manong at may naaalala lamang ako.” pagkukubli ko sa natanto ko

 

Kring! Kring!

 

“O pareng Robert, hindi na lamang ako pupunta ngayong hapon sa Agency at ikaw na lamang muna. Bukas na lamang ako ha,” may interview ako noon sa hapon sa isang Agency sa Malate na inaplayan naming dalawa patungong Canada. Baka ma-reject pa ako kasi hindi maganda ang araw kong ito at malas talaga, ang sasabihin ko sana sa kanya ngunit baka mapagtawanan pa niya ako kaya sinaisip ko na lamang ito.

 

AFTER 1 MONTH ay nag ring ulit ang cell phone ko pero “NO NUMBER” abroad ito.

Kring! Kring!

 

“O Pareng Robert, ibig mong sabihin ay nasa Canada ka na. Bumagyo kasi noong sumunod na araw at 3 days pa bago nawala ang baha kaya hindi na ako nakapunta pa sa Agency. Swerte mo naman at napili ka….” Sana nga ay hindi ko na lamang nabasa ang horoscope ko o naniwala duon eh di sana kasama mo ako diyan sa Canada, hindi ko na ulit na kuwento pa iyon at baka hindi lang ako pagtawanan niya kundi ay kaawaan pa dahil sa maling paniniwala ko. Kung bakit kasi naimbento pa ang horoscope na iyon o nagbasa pa ako noon.Sana hindi na lang….sana.

 

Pahabol: Wala naman palang dalang kamalasan si Elmo noong araw na iyon kasi off-duty siya at naka T-shirt lang siyang pula at naka itim pa na pants dagdag pa dito na iba ring  kotse ang gamit-gamit niya, ang sa Daddy niya. Kainis talaga!

 

 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: