Sana may Happy Meal ako.

i. Agahan

 

Tila nagkukulang na ang tamis

sa kapeng hain o masakit lamang talaga

ang lalamunan ko sa maghapong pagsasalita.

 

Hindi ko na maisawsaw sa nabasag na pula

ng itlog ang matigas na pandesal (malamang

na wala ang konsentrasyon).

 

Hindi rin mabasa  ng mata ang babasahing

peryodiko kahit kanina pa tinititigan ito.

 

ii. Tanghalian

 

Ilang oras ko na ring napakuluan ngunit matigas

pa rin ang karne mula sa nilagang baka na

may kasamang luha mula sa sibuyas na nahiwa.

 

Hayaan ng mabasa  ng sabaw ang

tutong na bahaw mula sa kaning hindi nagalaw

kahapon ng sandaling tumakas ako.

 

Sa tulong ng malamig na pepsi na siyang

magtutulak sa nabarahang lalamunan, salamat.

 

iii. Hapunan

 

Sapat na ang mainit na tsaa na aking hinanda

upang makatawid ang kumakalam na sikmura,

itutulog ko na lamang ang gutom—

 

at mangangarap na bukas ay may masarap

na hain sa hapag kainan.

 

author:dyeppri

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: