Ang Ibat-ibang Emosyon sa Kasalan (maikling kwento)

 Ang Ibat-ibang Emosyon sa Kasalan (maikling kwento)

Ekyusmi. Eksyusmi.

Hindi ko na matandaan pa ang huli kong pagpasok dito. Mabibilang lamang yata sa mga daliri ko sa mga kamay ang mga iyon. Ngunit ngayon ay may importante akong kailangang makita. May kinakailangan akong alamin. Kaya pinilit kong makipagsiksikan sa medyo  unahan. Duon sa medyo mataas na lugar na matatanawan ko ang bawat detalye.  Ang kabonggahan ng kasalan. Ang bawat mukha ng bawat taong sasaksi sa pagpapatali ng mga taong mayroong pusong nagmamahalan.

Ibat-ibang emosyon ang nababakas ko sa mukha ng mga taong nakikita ko. Kagaya rin ng emosyong nagrarambulan sa kalooban ko. May mga matatandang babae na walang  mapagsidlan nang ngite ang nagtsitsismisan dahil marahil sa haba nang panahong hindi pagkikita sa kamag-anakan nila. May mga kadalagahang hindi mapalagay sa kinakatayuan nila ang nakikipagsulyapan sa mga binatang nakapustura rin. May mga batang pumapalahaw na ng iyak dahil hindi siguro sapat ang hanging binubuga ng bentilador. May mga mukhang hindi na maipinta marahil dala nang gutom dahil pinili nilang huwag kumain sa kani-kanilang kabahayan upang makabawi ng ginastos sa  mamahaling regalong dala. Ang pari ay halatang inis na rin dahil huli na sa itinakdang oras at may tatlo pa na kasunod na nag-aantay na babasbasan niya.

Napako ang atensyon ko sa lalaking nasa unahan. Halatang hindi rin ito mapalagay dahil butil-butil na ang salit-salitang pawis na gumugulong sa noo nito pabagsak sa dibdib ng itim na amerikanang suot-suot  at paroo’t parito. Walang tigil ito sa kababalik-balik  sa paglalakad at halos lahat na ng tao ay nakamasid kung hihinto na ba ito. Kung mapipigilan nga lamang ng estatwang bato na nakadipa sa harapan niya na patigilin ito sa kalalakad sa harap niya ay matagal na nitong ginawa.

Nagawi sa paglalakad sa harap ko ang lalaking naka-itim na amerkana. Dinig na dinig kong nagtanong ito sa babae na  may mamahaling kasuotan at napapalamutian ng mga kumikislap na mga bato, wala pa ba si Glenda mama?. Sumagot naman ito na, huwag ka masyadong excited iho, maghintay ka at baka natraffic lang kasi malakas ang ulan. Kaya nagpatuloy lamanng itong muli sa paglalakad-lakad sa harapan ngunit kumukuyos na ang isang palad sa isang kamao nito. Nakasimangot na rin ito kagaya ng karamihang tao maliban sa akin. Palagay ko ay ako na lamang ang kaisa-isang mukha ang kakikitaan ng kaaliwalasan na ‘di tulad kanina bago ako dumating. Parang biglang binaligtad ang tagpo. Sila kanina ngunit ngayon ay ako na lamang ang nakangite.

Lumalakas na ang ingay sa loob ng simbahan. Isa-isa nang nagtatanungan ang bawat isa kung ano na ang nangyayari. Kung darating pa ba ang inaantay ng lahat. Kung kanina ay nakatuon ang pansin nila sa lalaking palakad-lakad sa harap ay waring nagsawa na sila sa eksenang iyon, kaya’t mas minabuting sa malaking pintuan na lamang na pasukan sila magmasid. Halos lahat ay nagpapalitan sa pagsulyap sa malaking orasan na naksabit sa inaagiw na may pinturang kupas na sementong pader. Tila binibilang ang bawat pintig ng segundo… ng bawat minuto.

May sumigaw sa labas, anydan na ang kotseng puti. Andyan na! at napalingon ang lahat na nakangite. Sa wakas dumating din! ang sabi ng ilan.

Dumagundong muli ang puso ko. Bumilis ang tibok nito. Lumalim ang paghinga. Nakabibingi ang mga bulungan ng mga tao. Nakabibingi ang pasasalamat nila sa diyos, Salamat…Salamat at dumating na rin yata  ang bride!

Hindi ko napansin na basang-basa na ang mata ko at nagsisimula nang gumulong ang mga luhang ito sa aking pisngi. Sari-saring mga tanong ang isa-isang namuo sa aking isipan at naghahagilap ngayon ng mga kasagutan. Bakit ginawa mo ito Glenda? Hindi ba sapat ang wagas na pag-ibig? Nababayaran ba ito ng salapi? Liligaya ka ba sa piling niya? Papano na ang batang dinadala mo ngayon sa iyong sinapupunan? Kikilalanin ba siya nitong ama?

Hindi ko alam ang mga kasagutan sa mga tanong na ito. Napansin kong muli ang estwang nakadipa. Napansin ko ang butas sa mga palad nito. Nagsimulang maunawaan ang paghihirap niya. Ang pasakit na nararamdaman niya dahil sa mga paghihirap ng iba. Ang pagmamahal niya sa iba.

 At hindi ko napansin kinakausap ko na ang estatwa. Kinakausap ko na SIYA. Panginoon tulungan n’yo po si Glenda, tulungan n’yo po kami. 

Pagdilat ko ay nakita ko. Bumaba ang Mommy ni Glenda sa puting kotse. Lumakad ito papunta sa harapan at kinuha ang mikropono. Habang umiiyak ay sinabi nito sa mga tao na hindi na tuloy ang kasalan. Nagbulungan ang mga tao. Muling nainis ang mga ito sa pangyayari lalo na ang mga kanina pa ginugutom. Nagtanungan. Nagsimulang mag-ingay. Napayuko ang naka-itim na amerikana at muling naglakad ito ngunit hindi tulad kanina. Ngayon ay mabilis at may direksyon na, palabas ito ng pinto.

  

May kakaibang nanginig sa gilid ng puso ko. Nagba-vibrate pala ang telepono ko. Tiningnan ko ito at si Glenda ang nagrehistro. May text message siya:

DYEP UMUWI K N. D N KO DRATING S KSAL KO. KSMA KO N ANG BESTFREN MO. MAG-UUSAP KMI. TNX S SUPORTA.

  

Hindi ko alam kung ano ang emosyong mararamdaman ko. Mabigat ang mga ito.  Awa sa iniwan at Saya para sa mga kaibigan ko.  Sana nga maging maayos na ang lahat sa’yo, sa inyong lahat.

 

Naglakad na rin ako palabas ng pinto sa simbahan ng Baclaran na hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.

Author: dyeppri
Author’s Bio/Notes: dyeppri1975
About these ads

2 Comments (+add yours?)

  1. chu03
    May 02, 2009 @ 14:08:20

    hindi natuloy ang kasal dahil sa hindi niya mahal ang lalaki at ung best friend mo ang mahal niya? sayang nga kasi kung ako bisita hindi ako makakain, maiinis ako sa bride…naalala ko tuloy noong ikinasal ang pinsan ko sa cavite pero bago sila ay may nauna ng ikinasal. nakita ko ung lalaki at babae pumasok na sa sasakyan kaya lang nagtaka ako at nagulat kami na naroon dahil ung groom umiiyak at ung bride tuwang-tuwa? ganoon kaya kapag ang lalaki ay napikot? hindi ko makalimutan ung emosyon niya dahil hindi kagalakan ung napansin ko kundi pait… mahusay ang ung paglalahad ng mga kaganapan at emosyon ng bawat indibiduwal.

    Reply

  2. Jessamhae Callo
    Aug 14, 2011 @ 11:23:06

    kasi ewan ko sa inyo wala akong pakelam sa inyo basta ang mahalaga ay6 importante

    Reply

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: