Archive for February, 2009

Doctors *Chapter 7 James & Ike = Glenda (novel)

Posted in novel on February 19, 2009 by dyeppri

 

6a00d83451584369e200e54f89a8b98834-800wi

 Ilang araw din ang kalungkutang namayani sa paaralan ng San Pablo Medical College dahil sa pagpapakamatay ng estudyanteng si Jane. Ngunit ganoon talaga at kelangang ipagpatuloy nila ang buhay. ‘Yan ang parating sinasabi ng mga guro nila sa bawat pagmemeeting nila.  Dagdag pa duon ay ang  pagiging matapang daw dapat ng doktor at ihiwalay nila sa trabaho ang pansariling damdamin o emosyon sa propesyunal na trabaho nila.

 “Kaya pala nahirapan si Jose Rizal na operahan sa mata ang sariling Ina nito” ang nasabi ni James kay Glenda

“Kahit ako din naman siguro kapag nagkasakit ang Ina ko o magiging anak ko ay hindi ko kakayanin na hiwain sila…”

 Sunod-sunod ang naging pagsusulit nilang lahat upang madivert daw ang atensyon ng mga mag-aaral at mabilis nga nilang nalimutan ang kalungkutan sa mga nangyari noong nagdaang linggo.

 Kanya-kanya ng grupo ang mga estudyante at nanatili namang iisang grupo sina James, Glenda, Ike at Noel. Pinahintulutan iyon ni Professor Dean sapagkat makakatulong daw ito kung may samahan na sila balang araw. Hayaan na mabuo ang pagiging tunay na magkakaibigan ng bawat-isa.

 “James…kelangan ko na ulit yatang papalitan ang salamin ko dahil madalas ay nahihilo na ako sa matagalang pagbabasa” tanong ni Glenda sa kaibigan

“Sige at kapag pinayagan tayo ay sasamahan kita humanap ng opthalmologist dito.”

“mamasyal nadin tayo sa Mall dahil ang tagal na natin dito sa San Pablo ay hindi pa natin napasyalan ang bayan.”

“Sana nga sa Linggo ay makalabas tayo at makapagsimba na din.”

“Hoy…hoy… ano yang pasyal na yan.Sasama ako dyan” singit ni Ike

“Syempre naman noh! Ikaw pa” sabay na sabi ng dalawa at sila’y nagkatawanan

 Ganoon lang naman ang mga estudyante ng medikal na kapag may oras ay ginagawang sulit ang bawat minuto kasama ang mga kaibigan sapagkat bawal masayang ang oras sa kanila. Masmabuti pa daw idaan sa pagtulog ang sobrang mga oras upang makaipon ulit ng panibagong lakas upang harapin ang ‘sang tambak na libro para pagmememorya. Kelangan isak-sak lahat sa bahagi ng utak dahil nakakahiya nga naman sa pasyente kung may itinanong ang mga ito kung saka-sakali sa sakit nila at sila ay mag-eexcuse me para lamang humagilap ng notes para magbigay paliwanag. Hindi pwe-pwede yun!

 “Oh, Oh, Oh To Touch And Feel A Girl’s Vagina And Hymen” pagmememorya ni James

“Yak ka talaga James Yak” naiiritang sabi ni Glenda

“Ano ka ba acronym ito sa 12 cranial nerve… O is for Olfactory Nerve, anothe O is for Optic and so on and so forth?!” tawa-tawa pa

“OO nga pero pwede namang hindi malaswa tulad ng sa akin na On Old Olympus’ Tufted Top A Fat Armed German Viewed An Hop”

“eh sabi nila kapag medyo green daw ay mas madali memoryahin yun!”

“sabagay tama ka doon!”

 Ibat-ibang strategy ang kanilang ginagawa upang mapadali ang pag-aaral. May iba namang ginagawang unan ang mga libro at kapag gising daw nila ay pasok lahat iyon sa brain nila. Ang style naman ni Ike ay maidlip muna ng isang oras pagkatapos ay wala ng tulugan ngunit minsan ay magigising na lamang siya sa bell ng alarm na hudyat na pasukan na! Patay kang bata ka at nakatulog ako, ang masasabi na lamang niya sa sarili. Si Glenda naman ay napuno na ang ding-ding na umabot sa kesame ang pagsusulat at notes niya. Ginagawa daw niya iyon para sa pagpikit at pagdilat ng mata ay lecture pa rin ang kanyang makikita. Grabe talaga! Pukpukan sila sa pag-aaral. Sunugan ng kilay. Literal ang ibig sabihin nito para kay James dahil nang minsang magka-brown out ay gasera ang ginamit niya. Inantok siya at hindi sinasadyang mapatungo sa apoy niyon at sunog ang kilay niya. Tawanan sa klase ang inabot kinabukasan!

 

Mabilis naman lumipas ang apat na taon at kalahati. Tulad ng ina-asahan ay si James ang naging Summa Cumlaude, si Edgardo naman ang Magna Cumlaude at si Glenda ang Cumlaude. Tulad ng mga nagdaang pangyayari at tuwang-tuwa pa din ang mga mag-aaral lalo na ang mga magulang ng mga ito. May mga Degree na sila ngayon at isa na lamang upang matawag na ganap na Doctor ang magtapos ng Medecine Proper.

 Binigyan ulit sila ng dalawang linggo para magpahinga at mag-ipon ng panibagong lakas sa panibagong  pakikipagbaka para sa lalong kumakapal na mga libro. Sana nga lamang ay hindi na kumapal pa ang salamin ni Glenda…

Walang ginawa kundi mamsyal si James sa mga dating kaibigan at minsan ay nakakasama niya si Ike sa mga lakaran. Minsan din ay namimingwit sila sa tabing-ilog na inaabutan na sila ng paglubog ng araw doon.

 “James, kelan ba ang balik ni Glenda”  pag-uusisa ni Ike

“Hindi ko nga alam at hindi naman nagsabi na sa Maynila pala ito magbabakasyon kasama ang mga magulang nito!” kitang-kita ang pananamlay at pananabik sa kaibigan sa mukha ni James

“Sana sumama tayo!”

“Kung pwede nga lang ba eh…” sabay buntong hininga

“Pare, Mahal mo ba siya.” walang prenong tanong ni Ike

“Sino?” nagmamaang-maangan na sagot at kunwari ay ‘di alam nito

“si Glenda ba ay Mahal  mo?!”

“Syempre kaibigan ko iyon eh!”

“Kaibigan lang ba talaga?!” makulit na tanong ulit ni Ike

“OO naman” nahihiyang wika ni James at ‘di alam kung tama ba sinagot n’ya kay Ike

“Papano kung ligawan ko siya James? Magagalit ka ba?!”

“Ah…” di agad nakasagot ito at natigilan saka tumanaw sa malayo

“Biro lang!” bawi ni Ike

“Okey lang” sagot ulit ni James na wala namang emosyon sa pagsabi ng okey lang

Duon nagsimulang mag-isip si James. Pabalibaliktad ito sa kama ngunit hindi dalawin ng antok na parang may malaking bumabagabag sa kanya. Hindi niya maintindihan… maaaring sa mga makukulit na katanungan sa kanya ni Ike noong nangisda sila sa ilog. Bakit kaya ganoon ang nararamdaman niya? Oo mahal niya si Glenda dahil kaibigan niya ito at kababata pa pero bakit sobra ang pananabik na nararamdaman niya ngayong makita ang kaibigan?! Hindi naman siya ganoon noon kahit masmatagal pa itong nagbakasyon sa Maynila. Hindi niya alam at walang makakasagot nito kundi si Glenda lamang… sa pagbabalik nito sa isang araw… sa pagkikita nilang muli.

 

Itutuloy…

Isang Gabi ng Pagpaparaya

Posted in maikling kwento on February 17, 2009 by dyeppri

isang-gabi-copy1

 

Hindi sasapat  ang liwanag na nagmumula sa nag-aalab na damdamin patungong lagusan na  nais niyang tahakin. Patungo sa bangin ng karimlan.Kung may iba pa sana siyang alam na daan tungo sa pangakong kaligayahan ay baka iyon ang kanyang sinubukang gawing daanan. 

Tinakda na ang lahat ng mga sandaling iyon sa kanya. Tinalo ng takot ang pangamba ng kawalan. Nais man niyang kumawala ay tila wala na rin siyang maaatrasan. Wala ng paraan upang bumalik sa paghakbang. Wala na sa kanya ang susi pabalik sa mundo ng liwanag at tamang daan. Pinilit na lamang niyang lunukin at tanggapin kung ano’t anuman ang kahihinatnan sa kanyang napagdesisyunan. Ninanamnam ang bawat segundong natitira sa kanya na isa siyang malinis at malaya. Katulad ng isang paslit na walang alam sa kabalintunaan ng buhay.

Matigas pa siya sa adobeng binilad sa arawan habang pilit iginugupo nang mga halakhak na nagmumula sa dumadagan sa kanya. Isa-isang bumabagsak ang mga pira-pirasong pagkatao niya habang binabayo ng lalaki. Pilit nitong binubuksan ang masikip na lagusan sa kalooban. Walang salitang nais kumawala sa kanyang bibig,Ang mga salita ay tila naging yelo na kay lamig  at bumabara sa kanyang lalamunan. Hikbi lamang ang naging tugon sa naghuhumiyaw na damdamin. Kung maririnig lamang sana ng  lalaki ito ay baka ikinabingi niya ito. Kung ang talim sa kanyang puso ay pwede lamang sanang ibaon dito ay hinding-hindi  siya magda-dalawang salita pa. Hindi dahil kailangan niyang magparaya, ang katotohanang dahil sa  may kailangan pa siya rito, kahit ngayon lang.

Tila gutom na gutom ang lalaki at nagmamadaling magpakabusog sa kasariwaan niya. Kay tagal nga namang hinintay na mahinog ang bubot sa sanga ng puno. Ang mga kamay nito na marahan man na dumdampi sa mga dibdib niya ay tila ‘sing talim ng kutsilyo na humihiwa sa buong pagkatao niya. Isa-isang pinag-pirapiraso ang ala-ala nang kanyang nakaraan at tila nahuhulog na bubog.Nahuhulog at nababasag sa katigasan ng sahig.

Kirot at hapdi ang patuloy na humihiwa sa kanyang pagkababae. Nagpapagulo sa maamo niyang mukha at kitang-kita niya sa mata ng tagahiwa ang ibayong kaligayahan sa ginagawa nito. Hindi maitago ang ngite at ang umaapaw na kaligayahan. Taliwas sa kanya. Ngunit mas mahapdi ang dalang kirot nito patungo sa kaibuturan ng kanyang puso’t damdamin. Tila maitim na ulap na tumakip sa hubad niyang katauhan.

At isa-isang bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nakaraan na sumasabay sa mga agit-it ng kama tulad ng kanyang kamusmusan. Lumaki siyang salat sa mga materyales na hindi naman lubusang kailangan ng karaniwang tao. Payak kung baga ngunit sapat na sa kanya iyon basta’t kasama niya ang kanyang ama’t ina. Nakapag-aaral naman siya sa pribadong paaralan, hindi siya pahuhuli sa akademya kaya’t halos lahat ng kalalakihan sa paaralang iyon ay ang matamis niyang ngite ang pinapangarap. Iba ang angkin niyang kagandahan, makalaglag salwal nga daw sabi ng mga nag-iinuman sa kanto sa tuwing siya’y madadaan.  Hindi nga lamang siya mabastos ng mga ito dahil tanto nila  na lalabing anim na taon-gulang pa lamang siya at wala pang-alam sa kahalayan ng buhay.

Nagsimula ang dagok sa kanyang buhay nang masawi ang kanyang ama sa isang aksidente nang mahulog sa ginagawang gusali. Hirap ang kanyang ina sa pang-araw-araw na pangangailangan nila. Paglalabada, paglilinis sa bahay-bahay at pagtitinda ng kahit ano, Pinasok ito ni Aling Marta. Kakayanin daw niya na itaguyod ang pag-aaral ng anak. Marahil ay kinakaya ng isipan ngunit hindi ng katawang-lupa nito. Nanghina at naratay din sa banig ng karamdaman ang ina. Wala na sa kanilang tutulong kundi ang kanilang mga sarili lamang.  Tumigil siya sa pag-aaral. Namasukang waitress sa club. Marami ang humusga sa kanya, nagsawa na nga siyang ipagtanggol ang sarili na hindi siya ganoong babae. Hindi siya kaladkarin. Hindi siya puta.

Duon nagsimula ang napakaraming alok sa kanya, mga alok ng demonyo. Nais nilang bilin ang kanyang dangal at puri, ang kanyang pagkababae. Ibat-ibang presyo, pataasan.

Ilang beses siyang tumanggi ngunit tao lamang naman siya, tao  na nangangailangan ng mga materyales na bagay upang patuloy na umikot ang mundo. Hindi siya nakatanggi sa alok ni Congressman, isang gabi lamang daw sa piling niya kapalit ng pagginhawa ng buhay nilang mag-ina. Sino pa nga ba ang hindi makatatanggi duon? Nagugutom din naman siya at nangangailangan ng gamot ang kanyang ina. Pumikit na lamang siya habang binibigkas ang salitang payag na ako Sir.

Napakagandang lugar ang pinagdalan sa kanya ni Congressman. Mala-paraisong lugar sa isang putik na tulad niya. Para siyang mantsa sa puting damit ang kanyang nadaramdaman. Ngunit wala sa kanya iyon at ang nais lamang niya ay ang maibigay sa kanya ang gusto nito at kapag daka ay umalis na rin dala ang kapalit na pangako nito. Isang kapirasong papel. Isang kapirasong papel na naglalaman ng kasunduang buwanang sustento nito sa kanilang mag-ina.

Mataas na ang haring araw ng mamalayan niyang mag-isa na siya sa kama. Masakit man ang kanyang balakang ay balewala ito na pinulot sa sahig ang halos nagutay-gutay na damit nito sa sahig. Mabuti pa ang damit at nasusulsihan kapag napunit, ang naisip niya habang isa-isang sinusuot ito. Hindi naman na siguro kailangang ganap na itago pa ang nakita na ng iba. 

Nagmamadali siyang tumakbo papalabas ng Mansyon at tinungo ang naghihintay na sasakyang maghahatid sa kanya sa bago nitong buhay. Pinilit niyang ngumite at namnamin ang isang pag-asa na muli siyang mahuhugasan at lilinis kahit papano kapag natapos na niya ang pag-aaral. Walang makakaalam sa nangyari kagabi. Wala dapat. Wala.

semen’to

Posted in poetry on February 16, 2009 by dyeppri

Semen‘to

 

Ang agos sa tunggalian sa entablado

tumatalon ang mithiin at pakisyaw-kisyaw

Na kumakawala sa kaibuturan ng pagkatao

ang matagal ng ikinukubling pagkauhaw

 

Ang dalang bangong dumidikit sa isipan

ay tila naglalawa na pwedeng ikamatay

Bumabalik ang matagal ng kinalimutan

isang daktang bahid sa habangbuhay.

 

Nawawala man ang ulirat gabi-gabi

ay duon malayang nakakaniig ang tala

At ang likot ng dila ay kayang masabi

bago pa man manumbalik ang  hinuha.

 

Magkaibang direksyon man ang paglangoy

natin sa kasalukayan; dulo nito ang katuparan

Sapat na ang minsang ika’y nagpatuloy

at sementong gagawin kong kanlungan.

 

Mga naging kasama dati sa paglalakbay

sa kanila isisigaw ang ating naging tagumapay

 

sa kabila ng lahat…

 

Doctors Novel : Chapter 6 “2nd Year of Brain Torture”

Posted in novel on February 15, 2009 by dyeppri

Doctors

By: Dyeppri

 

Chapter 6:

 

The greatest mistake in the treatment of diseases is that there are physicians for the body and physicians for the soul, although the two cannot be separated.  ~Plato

 

2nd Year of Brain Torture

 

Pinagbigyan ang mga estudyante na makauwi sa kanya-kanyang pamilya nitong  nakaraang kapaskuhan ng dalawang linggo. Tutal ay masama naman daw ang panahon dahil may paparating na bagyo sa gitnang Luzon kaya’t hinayaan na ni Professor Dean ang mga estudyante na ubusin ang natitirang araw sa labas ng paaralan at may mahalang lalakarin din ang guro sa ibang bansa.

 

“Anak yung mga baon mo at pinasasabi ng mommy ni Glenda na tumawag sa phone kanina, daanan mo na daw sa bahay nila ito para isabay mo na pagbalik sa San Pablo.” bilin ng ama

“Opo itay…mag-iingat po kayo dito!” sagot ni James

“Kamusta po ang Ama ni Ike? Mananalo po kaya siya Itay ulit sa pagka-alkalde.”

“Malamang anak kasi ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na niya ito at ng mga kagrupo nya.”

“Iboboto nyo po ba siya?”

“OO naman kasi kilala na natin si Ike at madali tayong makakalapit sa munisipyo.”

“Sayang nga at baka sa katapusan na ulit ng taon ang balik namin dito sa Sariaya. Alis na po ako.”

 

Marami sa mga mag-aaral ay hatid ng kanya-kanyang mga magulang. Abot sa tenga ang mga ngite ng bawat isa at walang sisidlan ang kaligayahan ng mga sandaling iyon. Para bang inubos na ang maliligayang araw at bukas sa simula ng klase ay hindi na muling makakatawa.

 

Sunod-sunod ang naging pagsusulit ng mga mag-aaral upang mabawi daw ng mga ito araw na nasayang nila sa pagbabakasyon. Dapat sana ay hangang ala-singko lamang ang klase nila sa araw-araw ay umaabot pa ito ng hanggang alas otso. Puyatan na naman talaga ang lahat at hindi lamang ang mag-aaral kundi mga professor na din.

 

Ibat-ibang mga Doktor  ang nagsa-sideline sa paaralan ng San Pablo Medical Center sa pagtuturo. Kokonti lamang talaga ang permanente dito na kasama na si Professor Dean. Ang ilan sa kanila ay si Doktor Matias na Psychiatry Doctor. si Doktor Olivares ay isang Pathologist at si Doctor Agila ay isang Neurologist. Mapapansin sa lahat ng mga doktor na ito ay ang pagiging solo na sa buhay o talagang piniling hindi na mag-asawa. Marami ang nagtatanong kung bakit nga ba pero inisip na lamang nila na siguro nga sa kakulangan na ng oras sa sarili ay bakit pa magdadagdag pa ng iba.

 

“James saan ka pupunta eh madaling araw na ah!” tanong ni Glenda

“Masakit na itong Sacrum ko sa pagkakaupo at maglalakad-lakad muna ako sa pasilyo.” at tuluyan na itong lumabas sa kuwarto ng naghihilik na si Ike.

 

Apat na oras na nga naman sila sa pagkakaupo sa matigas na sahig ng kuwarto at nilatagan lamang ng carpet kayat nanakit na ang mga kasukasuhan nila. Nagtimpla ng kape at tinungo ang ibaba ng dormitoryo. Binaybay ni James ang pasilyo sa ibaba. Namataan siya ni Gng Solis na guwardiya nila at tinanong kung saan siya pupunta. Bawal na daw ang lumabas sa kanila. Sinabi lang ni James na magpapahangin siya dahil masakit na ang katawan niya sa lamig ng air-con at gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin. Pagod na siya sa pagmememorya ng ibat-ibang kemikal at mga katangian ng mga iyon na ilang araw na niyang pinagpupyatan. Hirap daw siya sa medical-chemistry niyang subject. Wala namang naging pagtutol sa guwarduya. Mabait ito at naiintindihan ang nararamdaman ng estudyante.

 

“Gng. Solis sino po iyong naandon sa Swing?” di maaninag ni James kasi medyo madilim at para lamang itong isang anino na nag-uugoy duon

“Ah, si Miss Lazaro iyon.  Lapitan mo nga iho kasi simula ng bumalik kayo galing sa bakasyon ay ganyan na siya.” utos nito

“Sige po.”

 

Si Miss Lazaro o Jane Lazaro ay tahimik na estudyante at hindi nakikipag-usap kahit kanino kung wala rin lang dahilan kayat masasabing hindi ito marunong makipagkaibigan. Suplada nga daw ito at sayang dahil may itsura pa naman tsaka may brain din. Sabagay lahat naman sila ay may angkin na katalinuhan kaya nga at nakapasa sila sa napakahirap na entrance exam pero si Jane ay ang sumunod kay James sa list. Pang-lima ito.

 

Sa malayo nakatingin si Jane ng mga sandaling iyon na para bang pinagmamasdan ang madilim na kasukalan na patungo sa kagubatan. Umiiyak ito dahil na-aalala ang mga tagpo ng huli silang magkita ng Papa niya.

 

“Anong nangyayari sayo. Bakit mukhang napag-iiwanan ka Jane sa mg resulta ng exam mo?!”

“Kasi Papa masyado silang magagaling lahat.” paiyak na sabi ni Jane

“Huwag kang pumayag. Hindi ba ikaw ang parating number 1 simula pa kinder mo at bakit ganito na!”

“Opo Papa” sabay takbo sa loob ng kwarto

 

Nagitla si Jane ng may tumapik sa kanyang likod at si James ito.

 

“uy, ginulat mo naman ako James!” sabi ni Jane na namumugta pa ang mata sa pag-iyak

“umiiyak ka ba, ano problema?”

“wala ito”

“sige na, at kaibigan mo ako! ako naman talaga ang nilalapitan ng halos lahat dito eh… dahil alam nila na pagiging-psychiatrist ang gusto kong puntahan.”

“Ka—si James” iyak na ito “ a- – -ko yung number 6 na code!” hagulgol ito na nagtatakbo pabalik sa kuwarto.

“Sandali!” pinilit ni James na habulin ito ngunit sinabi na lamang niya sa sarili na bukas kakausapin niya ito.

 

Pag-sapit ng alas-diyes ay isang ambulansiya ang dumating sa paaralan. Binitbit ng apat na lalaki ang stretcher at nabablot doon  ang malamig na katawan ng isang dalagang uminom ng muriatic acid…. si Jane ito.

 

Marami sa mga estudyante ang nalungkot sa pagkamatay ng dalaga ngunit may ilan din ang parang wala lang. Balewala kung baga at sabi pa ay “matalino siya kaya lang may sayad pala!!!”.

 

Nanghihinayang si James dahil hindi niya natulungan ito. Sana ay hinabol niya hangang kuwarto at baka buhay pa ang bagong kaibigan… huli na siya. Naisip niya na gannon talaga ang doctor at hindi lahat ng tao ay kaya nitong iligtas…

 

itutuloy…

 

 

 

Doctors Chapter 5 – First Year Preparatory

Posted in novel on February 11, 2009 by dyeppri

Doctors

By: Dyeppri

 

Chapter 5  First Year Preparatory

 

 

“We are threatened with suffering from three directions: from our own body, which is doomed to decay and dissolution and which cannot even do without pain and anxiety as warning signals; from the external world, which may rage against us with overwhelming and merciless forces of destruction; and finally from our relations to other men. The suffering which comes from this last source is perhaps more painful than any other”. – Sigmund Freud

 

Nagsimula na ang klase sa First Year Preparatoy sa  San Pablo Medical Center at simula na din ang recitation ng araw na iyon kay Doctor Dean at ang hindi makasagot ay mananatiling nakatayo.

 

“James, how many total bones in the human body?” unang tanong ng doctor

 

At birth the human body has about 350 bones, but by the time adulthood rolls around, some of our bones have fused together to give us a total of 206 bones in our body!” sabi ni James

 

“OK, please give me the exact detail of each part?” at hindi talaga ito marunong makontento sa sagot

 

“Here is the breakdown:
The adult skeleton consists of 206 bones . . .
- 28 skull bones (8 cranial, 14 facial, and 6 ear bones);
- the horseshoe-shaped hyoid bone of the neck;
- 26 vertebrae (7 cervical or neck, 12 thorax, 5 lumbar or loins, the sacrum which is five fused vertebrae, and the coccyx, our vestigial tail, which is four fused vertebrae);
- 24 ribs plus the sternum or breastbone; the shoulder girdle (2 clavicles, the most frequently fractured bone in the body, and 2 scapulae);
- the pelvic girdle (2 fused bones);
- 30 bones in our arms and legs (a total of 120);
- There are also a few partial bones, ranging from 8-18 in number, which are related to joints.” dagdag pa ni James na nanginginig sa takot at mabuti nabasa niya ang mga iyon

 

“Good and you may sit down now and next… hmm?”

 

 

Nakahinga lang ng maluwag ang mga mag-aaral ng marinig ang malakas na bell na siyang hudyat ng Lunch break nila. Mabilisang kumain ang mga estudyante a na tinapos lang ng halos 10 minuto dahil ayaw nilang sayangin ang oras at agad kanya-kanyang dampot ng mga libro. May mga ‘di na kaya pa ang puyat kaya sinamantala ang natitirang kalahating oras upang maidlip sa loob ng class room. Kay sarap matulog ang sabi ng ilan dahil medyo may kalamigan ang aircon nila. Bagong-bago pa kasi ang mga kagamitan ng paaralan.

 

“Ang galing ng sagot mo James! Bilib talaga ako sayo” sabi ni Ike

“Magaling din naman ang sagot nyo ni Glenda eh!”

“Swerte tayo at nabasa natin lahat ng iyon kundi laking kahihiyan ang inabot sana natin.”

“Grabe talaga at naover use ang mga neurons natin. Over stimullated sila ngayon” sagot ni Glenda

“Mamayang gabi ay mag-group study tayo sa room ko? tanong ni Ike

“Sige at inaantok ako at bumibigay ang Reticular Articulating System ko kapag nagsosolo ako eh!”

“Hindi kasi nae-stimulate ang mga cold receptors mo eh, yung krause end bulbs!” na ang ibig sabihin ni James ay hindi ito naliligo kayat dapat basain ang balat upang magising ito

 

Ala-una sila bumalik sa klase na agad namang hinarap ang surprise quiz na bigay ni Professor Dean. Tagaktak ang pawis ng lahat sa hirap ng mga tanong. Hindi na dito pwede ang hula-hula dahil kailanman ay hindi na sila makakatagpo ng mga tanong na may pagpipiliang sagot. Panay identifications  at essay lamang ang haharapin nila. iyon ang una nilang pagsusulit na agad din namang malalaman ang resulta na ipapaskil ng doctor sa bulletin board sa gabi. Binigyan lamang sila ng mga secret code number na 1 to 40 para malaman kung alin ang para sa kanilang grado. Bahala sila kung nais nilang ipagsabi kung alin ang para sa isa’t isa.

 

“A- – - anong number ka Glenda?” pangungulit ni Ike

“Ayaw ko nga! at bakit gusto mo malaman? Secret! “ sabi nito

 

Ang nakuha ng pinakamataas ay 92.5% at ang pinakamababa naman ay 33%. Malaking palaisipan tuloy kung sino ang pinakamataas at sino naman kaya yung kaisa-isang bumagsak sa pagsusulit na iyon. Kauna-unahang eksamen eh bumagsak siya.

 

“Kamusta James ang nakuha mong grades?” tanong ni Glenda

“Ayos lang!” sagot nito na pinilit ikubli ang ekpresyon ng mukha

“Lalo mo naman ina-arouse ang curriosity ko nyan” sabi nito at ngumite lang ang kaibigan

 

Nagkita-kita ang mga magkakaibigan sa kwarto ni Ike ng mag-aalas onse pagkatapos nilang kumain ng dinner sa canteen. Physiology naman ang kanilang pagsusunugan ng kilay ngayon. Makapal pa sa isang telephone directory ang kanilang uubusing pahina sa loob ng anim na buwan.

 

“Epinephrine or Adrenaline is for fight and Nor-Epenephrine or Acethylcholine is for flight response…

  ‘di ba Glenda crush mo si James? “biglang tanong ni Ike

“At bakit mo biglang naitanong ‘yan?” at namula si Glenda sa pagkabigla kay Ike

“O ayan Adrenaline ‘yan kasi nag rush bigla ang blood sa face mo kaya nag blu-blush ka tapos dilated pa ang mga mata sabay sa increase ng BP at pulse mo…patingin nga! Epinephrine ang enzyme dyan” heheheh

 

Tahimik lamang na nagbabasa si James na parang hindi narinig ang biro ni Ike sa kaibigan pero may kung anong pumitlag din naman sa puso ng binata. Hindi niya iyon pinag-ukulan ng pansin at seryoso siya masyado sa pagme-me-morize ng anatomy of the brain. Mag-aalas singko na ng isa-isa silang bumagsak sa sahig ng kwarto ni Ike. Alas otso ang pasok nila kaya halos tatlong oras lamang silang matutulog sa araw na iyon dahil may eksamen sila sa Physiology.

 

“If Blood Preassure increased the heart beat  will also be increased,?” tanong ni Glenda kay Ike

“Syempre kasi proportional sila pati sa Pulse at volume” yan ang pagkaka-alam ko

“Grabe at confussing ang mga tanong. Binasa mo na ay analytical pa! Masisiraan yata ako ng bait!”

“Mas at ease ako sa Patho-Micro kasi puro bacteria lamang at memmorization duon!”

 

Ang may code na # 18 ang siya pa ring pinakamataas na nakuha sa pagsusulit na may grade na 89 at ang may code na # 6 ang siya pa ding pinakamababa na may grade na 58.5% % sa Physiology. Sa sumunod ay parating ganoon kaya’t nagsimula nang magtanong sila sa bawat isa kung sino kaya ang may code sa dalawang number.

 

“Palagay ko ay si Edgardo ang may code na # 18 kasi siya ang pumangalawa sa’yo ‘diba Glenda?” pagtatanong  ni James na nakakunot na ang nuo at lumalalim na ang mga mata nito

“Siguro!”  ang nasabi lang ni Glenda

“At sa palagay ko ay si Dianna yung # 6 kasi puro pagpapaganda lamang yata ang alam nito eh”

“at napapansin mo naman na nagpapaganda siya, oh baka naman tinitingnan mo madalas!” pasungit na sinabi ni Glenda

“napasulyap lang… ‘di ko type ang mga ganoong babae”

 

Makailang pagsusulit pa ang dumaan ngunit hindi naman halos nagbabago ang ranking nila sa unahan at sa hulihan. Kung kani-kaninong pangalan na ang lumabas sa mga imahinasyon ng bawat mag-aaral pero wala pa rin yatang tuma-tama. Sikretong malupit talaga kung sino ang code #18 at ang code na  #6.

 

Madalas na bumibista ang ama ni Ike dahil nag-iisa na lamang ito sa bahay nila at ang  kasama ay ang mga

katulong lamang nito. Naiisip ni Ike na sana ay hindi na lamang nagkasakit ang Ina nito para may tumitingin sa Ama. Nag-paalam ito na muli niyang susubukan ang pulitika at tatakbo muli siya sa pagka- alkalde ng Sariaya. Wala namang problema iyon kay ike at masgusto nga niyang may ginagawa ang Ama nito ng hindi parating nasa bahay lamang ito at nakahiga. Masmabilis daw tumanda ang mga taong walang stress sa buhay ang nasabi niya sa Ama. Kaya’t ng pumayag ito ay agad muling nanumbalik ang sigla. Kaliwa’t kanan muli ang pakikipagkaibigan niya sa mga dating naging kaibigan upang ipaalam ang muli niyang balak pasukin ang pulitika.

 

“O bakit tulala ka dyan sa pasilyo Ike, dahil ba sa Ama mo?” tanong ni James

“Hindi naman, iniisip ko lang kung sino ang number 18 sa atin. Ikaw ba James?” tanong nito

“Bakit naman gusto mo malaman?”

“Kasi mababa ang mga grades ko eh at nais ko malaman ang sekreto niya!”

“Atin—atin lamang ito ha…. magpromise ka muna?!”

“OO, ayan taas na ang mga kamay ko.”

“Ako iyon!!!”

“WOW!!! “

“Psssst…wag ka maingay at baka may makarinig sa iyo.”

“Paano mo iyon ginagawa.”

“Eh di  ang magbasa ng magbasa! Practice lang sa memmorization. Magtake notes ka at kulayan ang libro mo. Hayaan mo at tuturuan kita ng mga techniques ko.” pangakoo ni James

 

Tulungan lamang talaga sila! Masmaganda talaga ang group study kasi kapag maynakaka-tulog sa kanila sa pagre-review ay may taga-gising na din.

 

Kaybilis ng mga araw at natapos nila na ang unang taon sa pag-aaral. Malapit ng lumabas ang mga grades nila at malaman kung may bumagsak ba sa kanila. Binigyan ang mga estudyante ng isang lingong pamamahinga. Makakapiling nila ang mga mahal sa buhay sa kapaskuhan!

 

At sa pagbabalik sa paaralan ay magkaka-alaman na kung sino si # 18 at number 6.

 

itutuloy….

 

 

 

Chapter 4 – Doctors Si Edgardo , Noel at Professor Dean

Posted in novel on February 10, 2009 by dyeppri

 

I. Edgardo

 

Isang malaking katanungan ay ang lihim na pagkatao ni Edgardo sa lahat ng mga nakakasama nito at basta ang alam lamang nila ay isa siyang matalinong tao. May ilan na din ang na-currious at naghangad alamin kung sino nga ba siya ngunit bigo ang mga ito. Pinagtanong-tanong nila at ang kanila lamang nalaman ay umu-upa ito sa maliit na kuwarto sa San Pablo. Dumating siya sa bayan na ‘yun ng 15 taong gulang pa lamang. Sabi ng ilan ay baka nasa abroad ang magulang nito at pinapadalhan na lamang ng pera sa pag-aaral. Kahit ang may-ari ng dormitoryo na malapit sa Santa Clara High school ay walang nalalaman sa kanya dahil tahimik itong tao. Kapag tinatanong naman ay tanong din ang isasagot nito na “bakit

 

 

Transferee siya sa Santa Clara High School at isang taon na lamang ay graduating na. Two times daw na accelerate itong si Edgardo sa dating school. Marami na din ang nagtanong kung ano itong pinangalingan niyang school pero ang sagot lamang nito ay “Bakit kelangan mo malaman ito?” Sinubukan na ding alamin ng ibang guro na maghalungkat ng files niya sa Principal’s office ngunit selyado ito at may nakalagay na confidential. Mayroon pa ngang babala na nakasulat duon sa isang sicker na “right to privacy: punishment is jail sentence”  at selyado ito ng city hall ng San Pablo. “Grabe” ang sabi ng  mga guro na nakakita noong document na iyon  at hindi na muling itinanong kung anong pinangalingan ng binatilyo.

 

 

Nakuha pa rin niya ang pagiging Valedictorian kahit isang taon na  lamang siya sa school ng Santa Clara. Paano ba naman ay lahat na lamang ng tanong sa test paper ay halos na perfect niya. Minsan nga ay pinagkatuwaan siya ng isang guro at sobrang hinirapan ang eksamin. Hinanap talaga ng guro na ‘yun ang mga tanong na hindi aakalaing masasagot ng estudyante at ang naging resulta, nabokya ang lahat ng mga estudyante na naging resulta ay pagrereklamo ng mga magulang. Muntik-muntikan pang ma-suspinde ang guro. Ngunit si Edgardo ay nakakuha pa rin ng markang 55.5%  o  26 ang tamang sagot out of 50.

 

 

Kumuha siya ng pagsusulit sa scholarship sa San Pablo Medical College at pumangalawa ito sa pangalang Glenda na may gradong 97.8% at siya naman ay 97.2% at pumangatlo sa kanya ay ang pangalang Noel na may 91.6% naman at ang pang apat aymay  pangalang James na mataas din ang nakuhang grade, 90%.

 

 

Ilang araw na lang at pasukan na naman ngunit mahigpit ang kompetensya ngayon. Sobrang higpit nga yata. Masdinib-dib ni Edgardo ang pag-aaral dahil sa unang pagkakataon ay pumangalawa lamang siya. Kung noon ay 5 o 6 na oras lamang ang itinutulog ni Edgardo sa gabi-gabi ay ngayon mas binawasan pa nito na naging 3 o 4 na oras na lamang.

 

 

II.   Noel

 

 

 

“Honey bilisan mo at baka ma-late ka sa examination mo!”

 

 

“Sige at aalis na ako… teka…. at pakiss muna sa baby ko…. tsssup… yung vitamins nya ha”

 

 

 

 

Si Noel ay 20 years old na at siya ang pinakamatanda sa kumuha ng pag-susulit. Noong una ay hindi ito pumasa sa kwalipikasyon kasi ay hindi daw pwe-pwede ang may pamilya na para sa scholarship ng Pre-Med Course tsaka sobra na ang edad nito ngunit may kung sinong kumausap sa pinaka- mataas na namumuno sa paaralan.

 

 

“Hindi naman kasalanan ng bata kung napa-aga siya ng pag-aasawa. Aksidente ang pagkabuntis ng GF nito at mabuti nga ay pinanindigan nya.”  sabi ng abogado

 

 

“Oo nga po at pakisabi na lang po sa Boss nyo na e-exempted na lamang namin siya sa rule-ling ng paaralan basta mag-promise po sana siya na ililihim ang pagiging batang ama nito dahil ayaw namin na may magrereklamo sa amin.” sabi ng presedente ng paaralan

 

 

“Makakaasa kayo Sir na walang makaka-alam nito.”

 

 

Ka-klase ni Noel noon pang elementarya si Maricel. Pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang simulat-simula pa kaya’t hindi na sila napapaghiwalay. Sila na ang magkalaro sa bahay-bahayan na kalaunan nga ay naging totohanan na ito.

 

 

Sobrang kaligayahan  ang nadama ng kanilang magulang ng ibalita ni Maricel sa kanila na buntis siya at si Edgardo ang magiging ama.  Kahit 17 taong gulang pa lamang sila ay agad isina-ayos  ng mga magulang ang mabilisang kasalan. Naging maayos naman ang lahat dahil mahal na mahal naman nila ang isa’t isa.

 

 

May sarili na din silang bahay na regalo ng mga magulang ng lalake at ang mga gamit naman duon ay magulang ng babae ang gumastos. Ayos talaga! Kahit konting problema ay walang dumating maliban sa minsanang pagtatampuhan ng mag-asawa. Madali naman ma-resolba iyon dahil sa mga tsismosang katulong nila na agad ipinagbibigay sa kanilang kanya-kanyang mga magulang ang nangyayari. Minsan nga ay medyo naging mahirap maresolba dahil ‘di alam kung sino ang may tama at mali ng mabasag ni Maricel ang flower base na hawak nito dahil naman sa pang-gugulat ng asawa. Nag umpisa na ang pagtatalo ng bawat isa kayat kinabukasan ay maybit-bit ng tig-isang marriage counselor ang bawat panig. Nagkatawanan at siya na ring naging daan ng mabilis na pagka-areglo ng tampuhan.

 

 

Tumigil na noon sa pag-aaral si Maricel ng magpakasal sila. Sang ayon naman dito ang asawa dahil mas maa-alagaan nito ang kanilang magiging baby. Si Edgardo naman ay patuloy na pinagbuti ang pag-aaral lalo’t may roon na siyang dalawang inpirasyon sa mga pagkamit ng mga pangarap nitong maging ganap na doctor.

 

 

Hindi naman niya kailangang magtrabaho dahil malaki ang negosyo nila na isang pagawaan ng asukal sa Negros. Minana iyon ng kanyang Ina sa Papa nito ng mamatay. Patuloy lang ang allowance nila na galing sa negosyong iyon at malaki pa nga ang labis kaya’t nakakaipon pa rin sa bangko.

 

 

May kalakihan naman ang kanilang bahay na nahahati sa apat na kuwarto. Ang pinakamalaki ay ang masters bedroom at sunod ay guest room na tinutulugan kapag dumadalaw ang magulang ng mga ito, sumunod ay kay baby Joan na kasama duon ang sariling yaya, at ang huli ay ginawa niyang study room na naandoon din ang gamit sa musika tulad ng piyano at gitara. Pinaghalo na niya ang music sa study room. Sa

sala naman ay mapapansin ang napakalaking kabinet na puno ng ibat-ibang mga libro. Nagmukha tuloy isang maliit na library ang sala.

 

 

Masasabing mayroong masayang pamilya si Edgardo kahit  paminsan-minsan ay mayroong mga pagtatalo sa kanilang mag-asawa. Normal lang naman daw iyon sabi ng kanilang mga magulang nila. Ganoon naman ang kanilang mga magulang at parating positibo sa lahat. Minsan nga ay binato ng pinggan ni Maricel ang asawa at ikinasugat ng noo nito. Dumugo at dinala pa ito sa hospital para ma-isara ang pumutok na noo. Normal pa din daw iyon sabi ng kanyang ama’t ina. Inalok kung gusto nilang umattend ng seminar sa isa muling Marriage Counselor. Ngunit tumanggi ito at sinabi na ‘di na bale daw at magbabati na lamang sila kaysa makinig sa kakadaldal ni Mrs. Bolar. Nagtawanan muli!

 

 

Masayang masaya ang lahat ng makapasa si Noel sa Scholarship Examination ngunit kabaligtaran naman ni Maricel sapagkat mami-miss daw niya ang asawa. Wala na siyang aawayin kapag nagta-tantrums ito at

yayakapin kapag naglalambing siya. Magkakahiwalay sila ng matagal, ilang araw, ilang buwan at minsan lang sa isang taon. Iyak ang siguaradong ipapabaon sa pag-alis ng asawa nito.

 

“Bawal ang tumingin sa chicks Mr. Edgardo!” bilin nito

 

 

“’di mo ba nabasa ang kontrata, number 1 bawal iyon…”

 

 

Panibagong buhay ang hinaharap ni Edgardo sa pag-alis nito…. talagang bago dahil wala na sa tabi niya si Maricel na kasa-kasama na niya simula’t simula pa.

 

 

III. Professor Dean

 

 

Matandang binata si Professor Dean na siyang nag-interview sa mga gustong mag-eksamen na estudyante para sa gagawing Scholarship Program ng Paaralan. Puti na ang buhok nito na halatang napabayaan na. Bakit ba kelangan pa nga bang magpa-gwapo eh matanda na naman siya at walang asawa. Nasa mahigit sengkwenta na nga naman ang edad niya.

 

 

Mahigpit itong si Professor Dean.  Ayaw na ayaw nya ng mga estudyanteng nagtsitsismisan at agad na pinapatawag sa office kapag may namataan siya. Wala ng paliwanag pa at agad binibigyan ng deciplinary action kaya’ bibihira ang mga tumatambay sa koridor. Sabagay ay maganda naman ang naging bunga nito at nai-iwasan din ang pagiging close ng mag-aaral para maging mag-nobyo. Siya ang nagpanukala noon na ipagbabawal na ang may ka-relasyon sa mag-aaral. Noong una ay pinagtatawanan ang batas na ito ngunit pinakita niyang seryoso siya dito. Nang may mahuli noong dalawang estudyante na magnobyo sa pamamagitan ng patagong mga liham ay agad niyang ginawan ng paraan upang mapatalsik ang mga ito. Simula noon madami na ang natakot sa batas na iyon.

 

 

Marami ding sekreto itong si Professor Dean na tinatago tulad ng dahilan kung bakit wala siya sa hospital at mas-pinili pa nito ang pamumuno sa eskwelahan. Wala namang naghangad na hanapin ang kasagutan dahil sa takot at alam nila kung ano ang kayang gawin nito. Marami kasi ang nakakapansin na parating bigating mga tao ang humahanap kay professor.  Tulad ng isang tawag na nasagot ng tsismosang sekretarya ng principal “Hello, this is Senator Santos and i want to speak to Professor Dean please!” sabi ng nasa telepono…. “hoy, hindi mo ako maloloko ano” sabay bagsak ng telepono sa kausap. Kinabukasan ay tanggal na ang tsismosang secretary at kumalat ang tsismis na totoo nga na si Senator iyon.

 

 

Marami din ang nagtataka at hindi makaintindi kung saan nangagaling na ahensya ng gobyerno ang budget na ginagamit sa paaralan. Si Professor Dean lamang ang pinaghihinalaan ng lahat na nakakaalam ng kung saang account galing ang pondo dito.

 

 

Marami pang mga katanungan tungkol kay Professor Dean ang dapat nilang malaman. Sa pagbubukas ng klase sa susunod na araw ay baka malaman na iyon ng mga bagong estudyante…

 

 

 

itutuloy…..

Sa Bawat Higop ng Kape…(a prose poem)

Posted in poetry on February 9, 2009 by dyeppri

Tila hindi na niya pansin ang dati ‘y malinamnam at humahagod sa sikmura na dala ng mainit na kape. Ngayon ay madalas itong naiiwang malamig na kasa-kasama ng palutang-lutang na damdamin. Pilitin mang arukin ang sanhi ng kirot ay lalo lamang nadaragdagan ang sanlibong mga tanong na iyong iniwan.. Bakit? Bakit nagkaganoon? Anong naging  pagkukulang gayo’ng  ibinigay na ang lahat? o sadya talagang  nakakasawa rin ang sobra? Tanong at tanong din lamang ang kayang  sumagot sa bawat tanong. Hahayaan na lamang maging malabnaw ang lahat. Isang pamatid uhaw sa bawat pagkapilas ng mga araw. Umaasa na sa pagkahulog ng buwan ay may sisiwang din na liwanag. Nagbihis ng bagong yuniporme. Naghanda sa pagharap sa bagong umaga. May lamat man ang tasa ay ­­— umaasa na bukas sa pag-gising niya ay muling malalasahan  ang tamis at init na dala ng bagong umuusok na tsokolate “E”.