Archive for January, 2009

Gayuma

Posted in maikling kwento on January 21, 2009 by dyeppri

    (orasyon)

 May kaparehas ang lahat ng bagay na nilalang

at ang mahirap ay ang hagilapin ito.

*isang basa ang kailangan.

______________

 “Ano ba ‘yang binabasa mo d’yan Manuel?”

“Bigay ni Tata Igme , Isang Orasyon. Gayuma.”

“Binili mo? Nagpapaniwala ka duon eh siya nga itong tumandang binata.”

“Totoo ito. Sigurado, bukas ay may magmamahal na sa’kin. Tulog na ‘ko at may exam pa ako bukas.”

“Sana nga may magkagusto sa tipo mo! Jologs.” pahabol niya bago ako tuluyang nakatulog.

“O kamusta ang exam?” tanong ni Jay habang nagmamadali ako sa pagbibihis. Makikipagkita ako sa ka-chat ko na taga-kabilang baryo.

 “hirap nga…dadaanin ko na lang sa pakikipagdate.!”

“Talaga..” Halatang hindi siya makapaniwala at kung ano-ano pa ang sinasabi niya na ‘di ko maintindihan dahil nagmamadali ako. Patakbo akong umalis dahil pasado alas otso na. Natatakot akong baka ‘di na namin maabutan ang huling sine sa bayan.

 Alas otso-e-medya na nang marating ko ang Hacienda Inn na halos patakbo kong tinungo ng bumaba ako sa kakaragkarag na bus. Isa ito sa class na restaurant sa Lucena. Handa akong ubusin ang isang buwang allowance para lamang mapahanga si Azie.  Palingon-lingon habang pumapasok ako main entrance.

Parang siya ‘yong nasa dulong nakaitim na blouse na gaya ng tinuran nito sa YM niya. Lapit ako. ”Ehem…miss ikaw  ba si Azie?” She-eet…ang ganda niya at mala-kastilain ang dating. Ibang-iba ang ganda niya sa personal na halos ikalaglag na ng brief ko.

 “Yes…and you are Manuel?” Ibang klase talaga siya

 “Hindi mo ba type ang mga na-order natin at mukhang  konti-konti ang nakain mo?” usisa ko sa kanya upang iparamdam ang pagiging maaalalahanin ko.

Malamang na sa kaseksihan niya ay talagang pinaninindigan nito ang pagda-diet n’ya, “Nice naman ang taste n’ya kaya lang…”

“Siguro ay nagda-diet ka” pinutol ko na ang pagsasalita niya upang hindi na siya mapahiya sa pagkamausisa ko  at tumango na lamang siya.

Napakatipid talagang mag-salita ni Azie at talagang nababakas ko sa kanya ang pagiging isang dalagang pilipina maliban na nga lang sa pag-eenglish niya.

 Nanood kami ng sine. Akala ko nga noong una’y maiinip ako sa katahimikan niya pero umpisa lamang pala iyon at may kalokohan pa rin pala siyang itinatago. Nag-eenjoy talaga akong kasama.

“Hatid na kita ha, kasi magtwe-twelve na?” kahit ayaw ko ay napilitan akong magoffer sa kanyang ihahatid ko na siya sa Tayabas. Kabado akong hinintay ang sagot niya na sana ay ayaw n’ya kasi last trip na ang alam kong aabutan namin. Sigurado akong wala na akong masasakyan pabalik.

 “Talaga, hatid mo ako? Tara, let’s go.” patay dahil magpapahatid  siya. Bahala na at  ‘yun naman talaga ang tama, maging gentleman ako. Isa pa ay baka maka-score ako sa kanya dahil alam kong maluwag sa oras na ‘yon sa bus na patungo sa kanilang bayan.

Mabilis ang biyahe namin kaya binilisan ko na ring maka-score kay Azie. Una ay kunyaring nilalamig ako sa hampas ng hangin kaya humilig ako sa balikat niya.

Grabe talaga at hindi man lang siya tumutol. Siguradong tuloy-tuloy na akong makaka-score nito hanggang  championship.

“Para!” sigaw ni Azie na ikinagulat ko. Huh! bababa na  kami. Sumunod ako sa kanya na tinatanaw ang papalayong bus. Tinanong ko si Azie  “saan ba ang sa inyo at tila puro talahib at dilim ang nakikita ko MAHAL?” at talagang sinadya kong tawagin siyang mahal kasi  baka hahalayin na niya ako sa gitna ng talahiban na tila mga kuliglig lamang ang saksi. Kahit yata magtitili ako ay walang makakarinig sa akin. Ano ba itong napasok ko?

Hindi siya sumagot at hinila niya ako papasok sa kadiliman ng gabi. Takot ang naramdaman ko na tinalo nito ang kanina ko pang nararamdamang libog sa katawan. Gusto ko na sanang tumakbo ngunit nilabanan ko ito. Championship ang kailangan ko at tropeyo ng tagumpay kay Azie. Nagmatapang ako. Ang mga kababalaghan ay sa komiks, libro o internet lamang mababasa. Ang nagaganap ay isang magandang pangyayari na kailangan ay manaig ang tapang at lakas ng loob at syempre libog ko ulit.

“PUTCHA” mukhang totoo ang nasa komiks at sine dahil sa nakita kong  kumikislap na pangil ni Azie. Mukhang handang-handa na siyang sakmalin ako sa leeg.

Inay! Inay ko po! Tumakbo ako pabalik ng hi-way. Bahala na kung masagasaan pa. Kaysa naman mamatay ako sa kagat ng isang aswang. Kitang-kita ko na lumilipad sa hangin si Azie. Aswang pala siya. Isa pala siyang manananggal. Hinahabol talaga niya ako.

                                                                                ooOoo

TOINK… nahulog ako sa kama at bumagsak sa matigas na sahig na semento. Bukol pa ‘ata ako. Isang panaginip lang pala iyon. Sayang si Azie. Palpak ang orasyon.

Pumasok ako sa iskul na lantutaydahil sa puyat. Kinuwento ko kay Jay  ang ang lahat ngunit inis akong iniwan siya. Akala ko kasi ay dadamayan niya ako. ‘Yun pala ay pagtatawanan n’ya lamang ako kaya tumuloy  na lamang ako sa bayan. Nais kong kumain at magpakabusog para malimutan ang lahat.

“Aba!” mukhang kahawig ni Azie ‘yung babaeng papalabas ng simbahan. At napa-Shit nanaman ako at isa pang shit!. Siguro naman ngayon ay hindi na ito isang aswang. Tahanan na iyon ng Diyos. Patakbo akong humabol kay Azie…

“Miss ikaw ba si Azie?”  tanong ko sa kanya na ipinakangatog kong muli.

“Yes, do I know you?” tanong na sagot nito sa akin na kinatakutan kong muli kasi ganoong-ganoon ang panaginip ko kagabi, isang napakaganda at sosyalerang aswang.

“Excuse me…” nagulantang ang pagkatulala ko sa nangyayari at sumagot ako “A—e- – kasi ako si Manuel yung ka-chat mo at namukhaan lang kita.” pabulong ko.

“Yeeh…Manuel, oh my gosh…ikaw nga yung ka-chat ko.” at nakilala na rin niya ako.

Grabe at sobra-sobra ang tawanan namin. Namasyal kami sa park at kumain sa Mc Donalads ng Lucena. Ayaw ko na sa Hacienda Inn at baka bumalik muli ang aswang.

“Uy, may roon kaming night-swimming sa Fresh-Air  Grand Hotel, baka gusto mong sumama?”

“Okey lang ba. Groups kayo?” usisa ko. Hindi sa nahihiya ako sa mga friends niya bagkus ay takot lang na baka dalawa lang kami dahil sariwa pa ang panaginip ko tungkol sa aswang.

 “Mabait ang mga friends ko…’ sabay ngite nito na nagpatibok muli ng puso ko. Shet talaga at MAHAL KO na ulit siya. Oh, my Azie! 

“Basta ba makikita kitang naka two-piece ay ayos na ‘yan sa’kin.”pagbibiro ko.

“Baka hindi lang ang two-piece na bathing suit ko ang makita mo!” pangite nitong sabi na animo ay nang-uuyam sa akin. Natatakam nanaman ako.

Mabait nga ang lahat ng friends ni Azie. Lima silang babae at ako lamang ang lalaki. Swerte talaga lalo nang makita ko silang sabay-sabay na nagbihis.Mga walang pakundangan nga sa akin na akala mo ay musmos pa ako na walang malisya. At nagsipagtakbuhan sila patungo sa labas ng k’warto at naligo sa pool.

Tatlo lamang kaming naiwan sa madilim at malaking k’warto na nasa huling palapag na hotel. Si Marian, si Azie at ako. Hindi mo ba kami iiwanan Marian at isa kang sagabal para sa amin, sa isip ko. Tinanong ko si Azie “ayaw mo pa bang maligo?” at sumagot lamang ako ng isang iling. Lumapit siya sa akin at niyapos ako. Napamura muli ako. SHIT. Ang bilis talaga ng kamay ng babaing ito. Mala Wonderwoman. Gulat talaga ako sa bilis ng pangyayari… Mukhang matutuloy na ang naunsyaming championship tournament namin sa panaginip ko ah, pabulong ko sa sarili ko.

 “teka si Marian ay nandidito pa …” mahinang sabi ko at gusto ko na sanang bawiin iyon dahil baka magbago pa ang isip niya.Sus!

“okey lang ‘yan sa kanya…” pabulong ni Azie na naging hudyat sa paglalaro  ko ng apoy…

Grabe ang lambot at ang kinis ng napakaputing katawan nito. Gumapang ang buo kong kamay sa kurbada ng kanyang  katawan. Napakadulas nito na animo’y nabuhusan ng lotion o baby oil. Walang oras na dapat sasayangin. Bahala ka Marian kung nanonood ka man,  sa isip ko.

Walang patid ang pagpapalitan namin ng hininga na halos maubos na ang hangin sa aming mga baga. Kakaiba ang tamis ng kanyang mga halik, tamis ng una kong halik. Totoo palang hindi  kailangan pag-aralan at kusang matutuhan ito sa takdang panahon….at ngayon ay nakatakda na ang sa’kin. Instinct lang ang lahat. Parang pagkatuto ng baby na dumede sa ina nito.

Kapa dito, kapa duon ang ginawa ko. Akala mo ay bulag na hindi makita ang butas ng susian sa pituan. Hingang malalim bago ko siya tinulak mula sa aming pagkakatayo patungong kama.

“Uhhhhm”…tulak…teka bakit ang lakas niya at hindi ko magawang maitulak siya sa kama. May kakaiba siyang lakas na hindi ordinaryo para sa isang babae. Sheeeet… maya-maya pa ay lumabas ang pakpak na itim nito at naglalangis-langis na siya ng tuluyan. Natakot muli ako. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ang kakaibang anyo ng babaeng minamahal ko na. Sus ginoo at napadasal na ako. Sari-saring pangalan ng Santo ang aking nausal bago tuluyan na akong napatakbo papalabas ng kwarto.

“Putcha….ayaw ko na sa iyo Azie. Aswang ka talaga. Aswang!”

 Patakbo akong lumabas sa hotel kahit hubo’t hubad ako. Tinginan ang lahat ng nakakakita sa akin na animo’y ako ang aswang na dapat katakutan. Sigaw ako ng sigaw, ASWANG! ASWANG!  INASWANG AKO! ASWANG SI AZIE!

“Sir…sir… nakatulog po kayo.” patapik-tapik na sabi ng nagsasalita sa harap ko.

“Shit…asan ako?” Nasa Mc donalds daw ako at nakatulog.

Ano na naman ang nangyayari sa akin. Sa tuwing makakatulog ako ay si Azie ang napapanaginipan ko. Suwerte naman palagi at may gumigising sa akin. Ano ba ito?  At naalala ko ang orasyon…

_____________________

May kapares ang lahat ng bagay na nilalang at ang mahirap ay ang hagilapin ito…(isang basa lamang ay ayos na.)

Humingi muli ako ng payo kay Tata Igme maka-ilang araw na hindi ako tigilan ni Azie. Ang sabi niya ay kinakailangan lamang daw ay ipasa ko sa iba ang orasyon at ang kwento kong pag-ibig upang bumalik ang lahat sa normal..Katulad daw ng orasyon at pagku-kwento niya sa akin sa pag-ibig niya kay Shazie na isa namang serena..

 Ngayon ay ‘di ko alam kung papano ito ipapasa sa iba.Sheet. Putcha. Bahala na….end.

______________________________________________________________________________________

Ang may akda

Pangalan: Jeffrey Valencia Agon

Trabaho: part time writer- full time PT, Dubai AE

Liham: dyeppri1975@yahoo.com

Kabilin-bilinan ng Lola Kang Huwag Uminom ng Serbesa (isang sanaysay)

Posted in Uncategorized on January 21, 2009 by dyeppri

Isang pangako na naman ang siguradong mapapako, hinding-hindi na ako iinom ng kahit anong nakalalasing na inumin. Ito lang naman ang idinudulot ng pag-iinom; sakit ng ulo, puyat, panghihina bukod pa sa pagkabutas ng bulsa na dahil sa mahal na rin ng alak at pulutan. Kung bakit kasi noon pa ay hindi ko magawang masunod ang payo ng lola ko. Lahat na yata ng sinasabi niya o sasabihin pa ay ikinaiirita ko. Bakit ba ganoon ang mga lola, parating nakikialam sa buhay ng mga apo nila? ‘Yun na lang ba ang kanilang libangan?

 

Lumaki ako sa piling ng lola ko dahil isang kahig-isang tuka lamang ang pamilya ko. Parehong magulang ko ay walang ginawa kundi magbanat ng buto. Gabi na kung dumating sila sa bahay kaya buong araw ay si lola ang kasama ko. Maskampante daw sila na siya ang nag-aalaga at nagtuturo ng lahat ng bagay sa akin. Sang-ayon naman ako duon dahil minsan na akong nahulog sa hagdan dahil iniwan ako ni yaya para makipag- tsismisan sa nobyo nito. Kaya kinabukasan ay kapisan na namin ang lola ko. Buong araw ay siya ang kasama ko. Madalas nga ay mapagkamalang menopausal baby daw ako kasi hindi pa naman katandaan si Lola at sa lahat ng bagay ay siya ang kasama ko. Sa paglalaro ng holen sa ibang mga bata ay parating kasali ang lola ko, sa tumbang preso ay siya rin ang taga-pulot ng tsinelas na inihagis ko, sa taguan ay siya pa rin ang palaging taya.

 

Nakakatuwa talaga ang lola ko ngunit ang katuwaang ito ay may hangganan. Napalitan ng pagkainis pagkaraan ng mga taon. Nakakasawa na. Nakakairita na siya. Biruin mo na hindi daw ako pwedeng magbisekleta ng wala yung maliliit na gulong sa tagiliran dahil baka daw ako matumba. Nuon ay masasabi kong tama nga iyon pero diyos ko, nasa high school na ako ano! Katawa-tawa naman yatang may maliit na gulong pa iyon. Minsan naman ay nakipanood ako sa bahay ng crush ko. Ang saya-saya ng panonood namin ng Sleepless Night in Seatle ng biglang sumigaw si lola sa labas ng gate dahil malamig na daw ‘yung gatas ko. Halos matumba ako sa kinauupuan ko. Minsan din ay may isinama akong nobya sa bahay namin ngunit iyun din ang naging dahilan para iwanan  niya ako. Akalain mo bang kung ano-ano ang tinanong ng lola ko sa kanya ng maiwan ko siya sa sala. Isa daw ba siyang mabuting babae, nakailang nobyo na daw ba siya at ang pinakamabigat ay kung birhen pa daw ba siya. Simula nuon ay hindi na ako nagpakilala sa kanya ng kahit sinong kaibigan ko at sa malalayong lugar na lamang din ako nanliligaw dahil kahit sa aking paaralan ay hindi rin pwede dahil naandun siya minsan para sumundo sa akin. Nagdadala ng meryenda o tanghalian. Mabuti na lang  ay pinagsabihan siya ng guro ko na hindi siya pwedeng sa pumasok sa loob ng silid paaralan kundi ay malamang inantay pa niya ako roon. Nang nagkolehiyo na ako ay  sa wakas nakatakas na rin ako sa anino ni Lola kasi matanda na siya at madali ng mapagod. Pinagbawalan na rin siya ng doktor niya na maglalabas ng bahay dahil marami na daw komplikasyon ang sakit nitong diyabetis. Laking pasasalamat ko talaga nuon. Kaya ayun at walang magawa si Lola kundi magbilin na lamang sa akin tuwing lalabas ako ng bahay. Hindi na kita masasamahan apo kaya mag-iingat ka sa pagtawid-tawid mo, sa pagsakay mo, sa nilalakaran mo, ang pagkain mo,ang payong mo,huwag mong hahayaang matuyuan ka ng pawis sa likod, ang cellphone mo at tawagan mo ako parati at higit sa lahat ay huwag kang iinum ng kahit anong serbesa at masama ‘yun. Isang malakas na Oho lamang ang isinasagot ko dahil minsan akong nangatwiran sa kanya ay nagsumbong ito kay mommy kaya grounded ako ng isang linggo. Hinayaan ko na lamang siya tutal umuuwi lamang naman ako sa bahay para matulog at maligo. Mabilis na lumipas ang panahon na kahit may trabaho na ako ay ganuon pa rin kami ni lola. Magbibilin siya ng sangkaterba at sasagot ako ng opo na lumalabas lamang din naman sa kabilang tenga ang mga paalala niya.

 

Noong nakaraang taon ay pumanaw na si Lola. Napakaraming tao ang dumalo sa libing niya na ipinagtaka ko. Hinahangaan daw nila ang lola ko dahil mabait ito sa kanila. Walang kibo at hindi marunong makipagtsismisan. Walang ginawa kundi palakihin sa tamang direksyon ang apo niya. Tama naman daw iyon dahil ang lahat ng kanyang ginagawa ay napagdaanan din niya. Lahat ng mga naririnig ko na sinasabi nila sa lola ko ay kumikirot sa puso ko. Mabuti pa ang ibang tao at sinunod nila ang payo ng aking lola kahit hindi ito para sa kanila. Mabuti pa sila at naiintindihan nila siya. Ako ‘ata ay ngayon lamang ito nauunawaan.

 

Ngayon naririto kaming mag-asawa sa Dubai pero panatag pa rin ang loob namin na naalagaan ng mabuti ng mommy ko ang apo nila at hindi ng ibang tao. Marahil ay darating din ang panahon na ako naman ang mag-aalaga sa apo ko na kagaya rin marahil sa ginawa ni Lola sa akin noon. Ngayon pa lamang ako magpapasalamat sa lola ko, sa lubos at taos puso niyang pag-aaruga sa akin. Salamat po Lola Felecing… Salamat.

 

dyeppri

 

______________________________________________________________________________________

Ang may akda: Jeffrey Valencia Agon

Ikinabubuhay: part time writer, full time PT

Lokasyon: Dubai, AE

Liham: dyeppri1975@yahoo.com

ang akda: unang lumabas sa Filipinowriter.Com/ January 20, 2009